Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kurikit (Ang Duwendeng Makulit) (Ika-17 labas)

00 duwende_logo

NAPUPUSUAN MAN NI KURIKIT SI MONICA IPINANGAKO NIYANG HINDI GAGAMIT NG MAHIKA PARA RITO

“Oo nga, Kuya…Ba’t di mo siya ligawan?” panunulsol naman ni Abet na pumogi at naging mabulas ang pangangatawan sa ganap na pagbibinata.

“At boto ako kay Monica para sa iyo, anak…” ang hirit ng nanay-nanayan ni-yang si Aling Rosing.

Napangiti lang si Kurikit. Kung tutuusin kasi ay hindi na niya kailangan pang manligaw para magustuhan siya ni Monica. Pwede kasi niyang mapaibig at maging nobya kapag ginusto niya. Pero hindi siya magiging maligaya sa gayong pamamaraan. Ibig niyang ibigin din siya nito bilang simbuyo ng katugong damdamin sa kanya. At mas pinili pa niyang makipag-kompetisyon kina Aljohn at Frederick sa panliligaw sa dalaga kaysa gumamit ng kapangyarihan.

Pero paano nga ba niya pasisimulan ang pagpaparamdam ng pag-ibig kay Monica? Dapat ba niyang daanin iyon sa mga panunuyo? Halimbawa’y sa pamamagitan ng pagreregalo ng kotse o ng bahay at lupa? Pero isang anyo ng corruption iyon sa pagkatao ng dalaga. Siya mismo ay tutol sa gayong sistema.

Dinalaw niya sa bahay si Monica kina-gabihan. Dinatnan niyang bisita si Frede-rick. Mukhang seryosohan ang pag-uusap ng dalawa sa sala ng bahay. Nagsa-invisible siya. Pinakinggan niya ang palitan ng mga salitaan ng dalaga at ng binatang nanliligaw.

“Hindi ko matatanggap ito…” ang sabi ni Monica na nagsauli sa kamay ni Frede-rick ng singsing na may palamuting diamante.

“B-bakit naman?” naitanong ni Frede-rick sa paglamlam ng mukha.

“Hindi ko naman kasi birthday… Ano ang okasyon para bigyan mo ng regalo?” mata-sa-matang nasabi ni Monica sa kaharap na binata.

“M-mahal kita… H-hindi pa ba sapat na dahilan ‘yun?” ani Frederick sa pagkakagat-labi.

“May boyfriend na ako, ‘di ba?” pagtatapat ng dalaga.

“A-alam ko…” pag-amin ni Frederick. “Ipinaglalaban ko lamang ang aking karapatan.,,”

“Bahala ka…” sambot agad ni Monica. “Kaya nga lang ay ayoko na sanang magpagod ka pa…”

“Susuko lang ako kapag kasal na kayo ng boyfriend mong si Aljohn…” ang pani-nindigan ng binata.

Humanga si Kurikit sa matatag na fighting spirit ni Frederick.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …