Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

10 % diskuwento para sa mga junior citizen, kailan kaya maisasabatas?

00 hotaw ronnie carr

ISA sa mga panukalang batas na isinusulong ni Senator Bong Revilla Jr. sa Senado months before the PDAF scam broke out ay ang 10 porsiyentong diskuwento para naman sa mga tinawag niyang “junior citizen.”

As we all know, ang mga kababayan nating sumasampa na ng edad 60 are considered senior citizens, as such, they enjoy 20% discounts sa pagbili ng gamot, pagkain sa mga restoran, at maging sa panonood ng sine in some areas.

Bong’s Senate bill—if passed into law—allows the junior citizens or those who reach the age of 55 to enjoy half (10%) of the benefits na tinatamasa ng mga 60 years old and above.  Not bad.

Aminado ang inyong lingkod that we’re barely three years away sa edad na 55, at dahil sa aming pagkakaospital just recently made us realize the importance, if not the urgency na maisabatas sana ang bill na si Bong ang pangunahing may-akda.

If so, malaking tulong ito sa mga junior citizen lalo pa’t ikinagulat namin ang polisiyang ipinatutupad ngayon ng Philhealth that took effect last January 2014 kasabay ng kanilang pagtataas ng quarterly payment from P450 to P600, na dating P300 years ago.

Ang siste, hindi na mahigit 20% ang ibinibigay na diskuwento ng Philhealth for confined patients, but rather the computation is based on the patient’s medical case. Wala ng saysay ang room rates, lab tests o anumang procedure na laking kaginhawaan sana ang kabawasang ‘yon sa isang pobreng pasyente.

What’s even more ironic, kung kailan nagtaas ng singil ang Philhealth ay at saka naman sumablay ang serbisyo nito to think that it’s a government health insurance company that should address the needs of every infirmed Pinoy.

Ayon sa mga nakausap naming medical staff sa pagamutan na naka-confine kami sa loob ng 11 araw, every hospital is having a difficulty in collecting from Philhealth. Ang tanong: paanong nangyari ‘yon? Saan napupunta ang pondo mula sa mga ibinabayad ng mga Philhealth members?

Is this another case of siphoning off public funds ng ilang mapagsamantala’t tiwaling kawani ng gobyerno?

Imagine, ang nadiskuwento lang ng inyong lingkod based on the computation of Philhealth was a measly P5,500 considering that our hospital bills, kasama ang binayaran naming PF (professional fees) sa limang doktor, were close to P390,000?

Magsilbing panawagan ito sa mga kinauukulan.

ni Ronie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …