ni ROLDAN CASTRO
DAHIL sa pagmamahal sa musika ay naisakripisyo ng Asia’s Singing Sensation na si Clifford Allen Estrala ang kanyang trabaho sa Macau. Hindi niya kasi matanggihan ang pagkakataon na magkaroon ng show sa US.
Hindi naman nagsisisi si Clifford dahil pabalik-balik na siya sa mga show sa Amerika. Sa sarili niyang diskarte at pagpupunyagi ay patuloy na lumalawig ang kanyang singing career.
Noong August 24 at August 30 ay naging matagumpay ang kanyang show sa Honolulu at Kauia sa Hawaii.
“Nagpapasalamat ako dahil marami ang sumuporta at nag-welcome sa akin sa Hawaii USA. Magko-concert ulit ako sa USA sa December na sponsors and produce nina Mr and Mrs Elmer Bueno, Jezza Leano, Allan Leano, Trifon Savellano, Israel Savellano, Ren Camarillo, Mr and Mrs. Willie Tolentino, Mr and Mrs. Ronnie Gamiao, Mr and Mrs. Roger Apuya at Christine Bumanglag,” bulalas niya.
“May isa ring gustong makipag-duet sa akin na US citizen. Siya ay si Reynaldo Calso Ramos from Vintar, Ilocos Norte. He is an Ilocano recording artist. Pangarap din niya akong makasama sa mga SM mall show ko rito sa Pilipinas at makasama rin sa susunod na concert ko sa Hawaii this coming December,” kuwento pa niya.
Nakatakda rin siyang magkaroon ng concert sa UB Baguio na prodyus nina Mr. And Mrs. Roland Gundran. May mall show din siya sa September 19 sa Cebu.
Si Clifford ay naging nominado bilang Best New Male Recording noong 2013 sa PMPC Star Awards for Music para sa kanyang album na Only In My Dreams under Aquarius Records. Sampung awitin ang nakapaloob sa kanyang album. Mapakikinggan dito ang Nagmamahal Sa ‘Yo, Kung hindi Ikaw, Huwag na lang, Say My Name, Only in my Dreams, Kay Saya, Please Dont lose your love, You’re Happy Now, I will Let You Go, Ikaw na Nga, at Palagi na lang Ikaw.