IBINIGAY na ng Amaia Land ang Amaia condo key na nagkakahalaga ng P2-M na napanalunan ni Daniel Matsunaga sa katatapos na Pinoy Big Brother All In.
Ang brand new condominium unit na mula Amaia Steps Novaliches ay isang modern at contemporary-inspired mid-rise project ng Ayala Land’s economic housing arm.
Ang Amaia project na ito ay napaka-convenient at medaling puntahan. Ipinagmamalaki rin nila ang mga quality featured at amenities tulad ng swimming pool, basketball court, clubhouse, playground, landscaped gardens, at support retails—na tamang-tama para sa tulad ng Big Winner na si Daniel.
Magkakatulong ang Makati Development Corporation BuildPlus, Ayala Property Management Corporation at Amaia Land sa pagtatayo ng isang maganda at maayos na matitirhan para sa mga Pinoy. Tulad ni Daniel na naniniwala sa kanyang pangarap at determinadong maisasakatuparan, ganoon din ang Amaia, ang makapagbigay ng affordable homes sa bawat Pinoy.
Dahil sa Amaia, masasabi ng bawat Pinoy na,”Kaya Ko Na!”