Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lifestyle check vs PNP Gens (Gen. Purisima hindi lusot)

091814_FRONT

NAKAHANDA na ang lifestyle check sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at unang masasampolan ang mga heneral.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas, nakipagpulong na siya kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares ukol dito.

Kinonsulta na rin niya si Ombudsman Conchita Carpio-Morales hinggil sa legalidad ng naturang aksyon.

Nakatakdang maglabas ang National Police Commission (Napolcom) ng memorandum circular hinggil sa isinusulong na lifestyle check.

Sabi ni Roxas, hindi ligtas mula sa kautusan si PNP Director General Alan Purisma.

Paliwanag niya, hindi masamang yumaman ang mga nasa hanay ng pulisya basta legal ang paraan ng kanilang pag-unlad.

HOTLINE VS PULIS NA MAY ILEGAL NA YAMAN BINUBUO NA

MAGBUBUO ng exklusibong hotline ang Department of Interior and Local Government (DILG) para sa mga nais magsumbong ukol sa mga pulis na may kaduda-dudang yaman at marangyang pamumuhay.

Pagtiyak ni DILG Secretary Mar Roxas, tututok ito sa pagtanggap ng tip at sumbong tungkol sa naturang kaso.

Ayon sa kalihim, bahagi ito ng kanilang gagawing lifestyle check sa mga pulis.

Siniguro ni Roxas na magiging confidential ang pagkakakilanlan ng mga magbibigay ng impormasyon na magiging gabay sa imbestigasyon.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …