Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pamilyang Tsinoy pinasok ng Gapos Gang

091814 gapos kamay tali

MILYON halaga ng salapi, mga alahas at iba pang mahalagang kagamitan ang tinangay ng apat ng miyembro ng “Gapos Gang” kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.

Kinilala ang mga biktimang sina Sengka Alfredo Lee, negosyante at misis na si Maria Theresa, kapwa residente ng 144 V. Cordero St., Brgy. Marulas, ng nasabing lungsod.

Sa ulat ni SPO3 Armando De Lima, dakong 7:00 a.m., nang maganap ang insidente nang pasokin ang bahay ng mga biktima.

Pahayag sa pulisya ni Maria Theresa, kasama niya ang dalawang anak na edad 13 at 15, paalis sila ng bahay sakay ng Toyota Fortuner (ZSB-576)  nang salubongin ng apat na suspek na pumasok sa kanilang garahe.

Pilit silang pinababa ng mga suspek habang nakatutok ang mga baril, kinaladkad papasok kasama ang dalawang kasambahay sa loob ng kuwarto ni Sengka na natutulog saka iginapos ang mga paa at kamay ng mag-anak.

Matapos limasin ang mga pera at kagamitan ng mga biktima, tumakas ang mga suspek sakay ng getaway vehicle na nakaabang sa labas ng compound.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …