Iniimbestigahan ng mga awtoridad kung inatake sa puso ang dahilan ng pagkamatay ng isang Japanese National na natagpuan sa loob ng kanyang silid sa Malate, Maynila, iniulat kahapon.
Wala nang buhay nang datnan sa kanyang kuwarto ang biktimang si Shigeatsu Mori, negosyante, ng Unit 1917, Le Mirage Condominium, A. Mabini St., Malate, Maynila
Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, sinabi ng live-in partner ng biktima na si Laiuka Relampago, 26, madalas lasing ang nasabing hapon dahil ginagawa niyang tubig ang beer.
Sinabi ni Relampago, dakong 10:00 a.m. kamakalawa nang makiusap sa kanya ang biktima na iwan muna mag-isa na kanya naman sinunod, pero sa pagbalik, tumambad sa kanyang bangkay ng biktima.
Isinugod sa Manila Doctor’s Hospital ang biktima pero hindi na rin naisalba pa.
Napag-alaman, matagal nang may liver cancer ang biktima dahil sa pagiging sagupa sa alak, na sinasabi nitong nakaraang buwan lamang, dumaing na ng matinding pananakit ng tiyan ang hapon.
(LEONARDO BASILIO)