NAGA CITY – Tinanggal sa pwesto ang anim na hepe ng pulisya sa anim na bayan sa probinsya ng Camarines Sur.
Kabilang sa mga sinibak sina C/Supt. Vicente Marpuri ng bayan ng Libmanan; C/Insp. Eugenio Manondo ng Pasacao; C/Insp. Efren Orlina ng Tigaon; S/Insp. Mariano Sermona ng Tinambac; S/Insp. Nicel Compañero ng Sagñay; at S/Insp. Stephen Cabaltera ng Garchitorena.
Ayon kay Insp. May Rena Martinez, Public Information Officer ng Camarines Sur Police Provincial Office, ang kautusan ay mula sa Regional Office ng Philippine National Police na ipinalabas noong Setyembre 14.
Habang sinabi ni Police Regional Office V Insp. Malou Calubaquib, tinanggal ang nasabing mga hepe dahil hindi naging epektibo ang kanilang kampanya kontra droga at kriminalidad sa kanilang mga lugar na nasasakupan. Pansamantalang mananatili ang naturang police officers sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit.