Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chief Engineer Assistant inasunto sa Ombudsman (Panggigipit sa fencing permit)

 

ISANG chief city engineer at kanyang assistant city engineer ng Las Piñas City ang inireklamo dahil sa paglabag sa Republic Act 539 ng Civil Code sa ilalim ng ‘Private Property.’

Kinasuhan ni Mario Bunyi, ng 125 Wawa St., Alabang, Muntinlupa City sa Ombudsman sina Engr. Rosabela Bantog, Chief City Wngineer at Mr. Christian Chan, Asst. of the City Engineer ng Las Piñas City.

Sa complaint-affidavit na isinumite ni Bunyi, tumatayong attorney-in-fact ni Santiago Reyes, ang may-ari ng 6,000 square meter lote sa BF Martinville, Manuyo Dos, Las Piñas City, hiniling nila sa Office of the City Engineer Building Official, na isyuhan ng permiso para simulan ang pagpapabakod pero umabot ang Agosto 28, wala rin aksyon sina Bantog at Chan.

“Kompleto naman po ang aming requirements pero hindi pa rin sila naglabas ng permit kaya hindi masimulan ang pagpapabakod,” pahayag ni Bunyi.

Nang magtungo si Bunyi sa City Engineer’s Office ng Las Piñas, sinabi ni Chan na mag-iisyu lamang sila ng temporary fencing permit kung hindi kasama ang bakanteng lote na sa harap ng Tonquioa St., sa BF Martinville, Manuyo Dos (dating Barrio of Tungtong).

Ayon kay Bunyi, ang pahayag ni Chan ay hindi makatarungan para sa may-ari ng lupain na si Reyes kaya hindi sila sumangayon.

Dahil sa patuloy na panggigipit sa kanila nina Chan at Bantog, nagpasya ang kampo ni Bunyi na maghain ng reklamo sa Ombudsman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …