SERYOSO nga ba ang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchi-sing Regulatory Board (LTFRB) sa kanilang kampanya laban sa mga kolorum na mga pampublikong sasakyan?
Marahil seryoso ang dalawang tanggapan dahil marami-rami na rin silang nahuling bus na pinagmulta ng P1 milyon. Iyon lang, ewan kung totoong P1 milyon ang ibinayad na multa ng mga may-ari ng bus.
Ayon kasi sa source, umapela ang ilan sa mga may-ari ng mga bus para sa isang konsi-derasyon. Napagbigyan naman daw pero, ibi-naba lang ang multa. Ganun?
At ganoon kaya katotoo ang bulong sa inyong lingkod na sa pagkonsidera at pagbaba ng multa ay may kumitang opisyal ng LTFRB? Iyon na nga ang sinasabi natin.
Pero ano pa man, tila hanggang simula lang ang kampanya laban samga kolorum na PUVs (public utility vehicles). Wala na raw kasing mga nakikitang nanghuhuli sa mga lansangan. Na-ayos na yata sa buto-buto ang LTFRB ng ilang bus operators e. Hindi naman siguro, at sa halip ay pinalamig lang siguro nila ang kampanya para biglang magsilabas sa kanilang lungga ang mga kolorum at saka sila paghuhulihin.
Tama marahil nga ganoon ‘yon, lay-low muna para magsilabasan ang mga kolorum at saka paghuhulihin para may pagkakitaan ang mga tiwali sa LTFRB. He…he…he…’ika nga e, walang kolorum kung walang “kolorum” din na mga kawani ng LTFRB.
Pero balita ko, kahapon ay inumpishan na naman ng LTFRB ang giyera laban sa kolorum. Ibig sabihin ay talagang nag-lay-low nga sila nitong mga nagdaang buwan. Bakit? Ubos na ba ang kita noong unang salta ng kampanya kaya larga uli sa panghuhuli?
Ngunit nagtataka naman ang ilang lehitimong bus operators sa lalawigan ng La Union. Ang dami raw kolorum sa kanilang lalawigan na bumibiyaheng Ilocos Norte at Baguio City via Naguillan Road pero hindi hinuhuli ng mga taga-LTFRB na nanghaharang sa highway.
Sinisita raw naman pero, wala pang napapabalitang nagmulta ng P1 milyon o P200,000 para naman sa maliliit na sasakyang kolorum tulad ng mga van na umaakyat sa Benguet.
Teka baka naman hinihintay pa ng mga taga-LTFRB dito na may mangyaring malagim na trahedya na kinasasangkutan ng mga kolorum bago seryosohin ang kampanya. Huwag naman mga parekoy. Dahil lang sa personal na kotong n’yo ay maraming inosente ang madadamay. Huwag naman. Makonsensya naman kayo.
LTFRB chairman Winston Ginez, paki-im-bestigahan po ang sumbong bago maging huli ang lahat. Huwag na ninyong hintayin pang may mangyaring trahedya lalo na’t via Naguillan Road ang ruta ng mga kolorum.
Naku po sir, napakadelikado ng daan kom-para sa Marcos Highway at Kennon Road pa-puntang Baguio City o Benguet. Huwag nang hintayin ang — dahil lang sa baryang kinita sa mga kolorum ay may mga inosenteng madada-may.
Tama na po sir ang huli nang pag-aksyon tulad ng nangyari sa Florida bus kamakailan. Kung wala pa iyong trahedyang nangyari noon ay hindi n’yo sinersoyoso ang kampanya.
Kaya, ngayon pa lamang po sir ay kumilos na kayo. Tinatarantado ng ilang taga-LTFRB sa lalawigan ng La Union ang inyong direktiba laban sa mga kolorum.
***
Para sa inyong sumbong, komento, reaksyon at suhestiyon, magtext lang sa 09194212599.
Almar Danguilan