You were once darkness, but now you are light in the Lord. –Ephesians 5:8
DAHIL sa kaguluhan sa Pa-mantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) ipinasiya na ng dating Pangulong Erap na wakasan na ang sigalot sa loob ng akademya na kinasasangkutan nina dating Justice Secretary Artemio Tuquero at former UE College of Law Dean Amado Valdez.
Pinagbitiw niya ang lahat ng buong opisyal ng PLM Board of Regents (BoR) at itinalaga ang kanyang dating chief ng Presidential Management Staff (PMS) sa Malacañang na si Leo-nora “Lenny” de Jesus bilang bagong Pa-ngulo ng city-run university.
***
TULOY mawawalan pala ng saysay ang hi-nabol ni Tuquero sa Court of Appeals na kinukuwestyon ang pagtatangal sa kanya ng BoR na pinamumunuan ni Dean Valdez.
Sabi kasi ni Tuquero kahit ang dating Pangulong Erap ay hindi siya maaaring sibakin dahil ang BOR ang humirang sa kanya bilang PLM President sa ilalim ng isang botohan.
Tuloy ang tawag sa PLM ——Pamantasan Laging Magulo! Ehek!
***
PERO sana naman sa pagpasok ni Madame Lenny sa PLM ay maging maayos na ang lahat sa loob ng academe. At sana’y hindi naapektohan ang pag-aaral ng libo-libong estudyante sa nangyayaring kaguluhan ng mga opisyales ng pamantasan.
Ngayon tinapos na ang gusot sa PLM, ang Universidad de Manila (UDM) naman dapat ang pagtuunan ng pansin at ayusin ng dating Pangulo. Kaparehong-kapareho kasi ang nangyari kaguluhan sa PLM sa UDM.
SIBAKIN SI TAYABAS SA UDM!
MARAMI din alingasngas sa UDM mula nang pinamunuan ito ni Dr. Tayabas gaya ng pagkuha ng kuwarto ni Dr. Tayabas sa adjoining classroom ng College of Law at gawing opisina.
Ang paglalagay ng mamahaling gamit dito (at ituro ang UDM annex sa Delpan, Tondo upang doon magklase ang mga estudyante ng College of Law).
***
ANG paglalagay ng dalawang opisyal sa kanyang opisina na sina Maritess Barriso-Taran at isang Atty. Ferrer na may tinatanggap na tig-P30,000 plus incentives na mas malaki pa sa sahod ng Mayor o City Administrator.
Ang pag-reinstate sa isang Mr. Ricthie Mendoza (umano’y kanyang bagman) sa Office of the UDM President sa kabila na may kautusang dismissal mula Civil Service Commission dahil sa kasong grave misconduct na nakasisira sa reputasyon ng UDM
***
ANG patuloy na pagtanggap ni Dr. Tayabas ng monthly salary na P24,000, kada buwan bilang college professor na sa katotohahan ni minsan ay hindi nagturo o humawak ng isang klase.
Patuloy itong natatangap ni Dr. Tayabas kahit na siya ay naka-confine sa PGH at dumaraan sa isang by-pass surgery.
***
AT ang pagbabawas ng extra-load ni Dr. Ta-yabas sa mga faculty member na nanilbihan ng mahigit 10 hanggang 15 taon para lamang i-preserba ang natitirang badyet sa kanyang opisina.
Matitindi ang mga bintang kay Dr. Tayabas at nagpag-alaman din natin may limang taon na palang retiro sa government service.
Susme, retired na, gusto pa rin umepal! Pwee!
TOWING OPERATION,
ISANG ECONOMIC SABOTAGE
MAITUTURING din palang economic sabotage ang ginagawa ng mga towing operators na umiikot sa Lungsod ng Maynila na walang pakundangan nangre-wrecker ng mga sasak-yan (jeep, delivery truck, cargo atpb) upang dalhin sa kanilang impounding area at ipatubos ng P3,500 hanggang P5,000.
Isipin na lamang ang pagkaantala ng deli-very goods sa merkado dahil na-towing ang iyong delivery van o cargo van kagagawan ng mga buwitreng towing.
Aba, bilyon piso rin ang lugi sa negos-yo!
***
PERO sa gana ng inyong Lingkod, hindi rin naman magtatagal, gaya ng kontrobersyal na truck ban, ili-lift rin ito ng dating Pangulong Erap sa hinaharap.
Lalo na’t nalantad sa kanya ang pagiging abusado at garapal ng RWM at PMA towing services na walang ibang hanap kundi mamerhuwisyo ng mga motorista.
At i-ban ang towing!
***
IPINAPANAWAGAN na ito ngayon ng Al-yansa ng Truckers at mga Organisasyon sa Puerto (ATOP) at Confederation Truckers Association of the Philippines na pinamumunan ni dating LTO chief Bert Suansing.
Dahil paglabas pa lamang ng mga cargo trucks mula sa Aduana, aba, nakaabang na parang mga buwitre ang mga towing services na umano’y pagmamay-ari ng mga dating konsehal na sina Borromeo at Espiritu.
Alisin ang salot na towing!
Para sa anomang komento, mag-email sa [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355. Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes
Chairwoman Ligaya V. Santos