Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris aquino, binigyan ng Hummer si Kuya Boy

091714 kris boy hummer

00 SHOWBIZ ms mDAHIL sa katuwaan ni Kris Aquino na nalagpasan ni Boy Abunda ang matinding pagsubok na dumating sa kanyang buhay, ibinigay na ng Queen of Talk ang advance birthday gift niya sa King of Talk.

Isang sasakyang Hummer ang regalo ni Kris kay Kuya Boy bagamat sa Oktubre 29 pa ipagdiriwang ni Kuya Boy ang kanyang 59th birthday.

After ng isang buwang pagkawala sa The Buzz at Aquino and Abunda Tonight ni Kuya Boy, noong Linggo, September 14 lamang siya nagbalik sa pagho-host sa The Buzz. At doon niya sinabing ibibigay niya ang Hummer kay Kuya Boy. After ng programang nilang A& A naman noong Sept. 15 ay sinorpresa siya ni Kris nang sabihin nito na ibibigay na niya ang hinihinging Hummer bilang advance birthday gift. Naroon na pala iyon sa paradahan ng ABS-CBN2.

Nag-post ng maikling video si Kris sa kanyang Instagram na may caption na,”Because he is my best friend, because I’m so grateful he’s alive & because I want to make him happy. I gave Boy the Hummer tonight after A&A. Uulitin ko, kulang pa this gift because sobra-sobra ang pagmamahal, pagtiwala, at pag aasikasong naibigay at patuloy na ibinibigay nya sa kin. Together w/ my brother & my 2 sons, it’s with Boy that I continue to experience the gift of true & unconditional love. * #ýthroughtheyears * #ýiloveboyabunda.”

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …