Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christian, ‘di pa makahanap ng GF dahil sa sobrang busy

091615 christian bautista

ni Letty G. Celi

LOVELESS ngayon ang poging singer, recording star, concert artist, TV host and actor na si Christian Bautista. Rati may girlfriend siya, foreigner, isang beautiful Thailander pero wala na sila ngayon. Wala naman silang away, siguro raw may mga bagay-bagay na hindi sila magkatugma.

Pero mahal nila ang isa’t isa. Kaya kahit na nagkahiwalay, friends pa rin sila. Eh, feeling ni Christian, at the age of 32 type na niyang magkaroon ng sariling pamilya at dalawang anak na isang lalaki at isang babae.

Dumating din sa punto na gusto na rin niyang mag-asawa ngunit hindi medaling gawin dahil wala siyang girlfriend. Hindi naman pwedeng basta na lamang siyang humila ng babae riyan at itarak ang semilya sa babae. Laking eskandalo kaya! Pero joke only.

Ngayon na mayroon siyang TV drama series na isa siya sa may malaking role na gagampanan, tiyak daw na lilipas ang edad niya dahil magiging sobrang busy na siya.  Mayroon siyang commitment outside the country (singing engagement), promo ng new album niya entitled Soundtrack, na mga revival music ang nakapaloob sa album, then may Sunday hosting & performing siya sa GMA7.

Naging host din siya ni Marian Rivera sa kanyang dance show. Laki ng pasalamat ni Christian dahil very successful ang kanyang career sa GMA7. Dahil sa sobrang busy ni Christian, purnada ang paghahanap ng babaeng pakakasalan at ina ng boy and girl na anak.

Sabagay, ang pag-aasawa nga naman ay dumarating sa ating buhay, maghihintay na lang daw siya para sa right girl na pakakasalan. Dream pala niya na kapag ikinasal, gusto niya sa may bundok na not so high, na kayang akyatin. Then, ang reception ay sa tabi ng beach. Kaya naman maghahanap siya ng beach na may bundok. Sisimulan na raw niya ang paghahanap sa girl, beach, at mountain.

Naku, hindi makakadalo sa wedding ang mga may arthritis. Sabi pa nga ni Christian na siya raw ang mismong mag-i-isketch ng munting chapel na pagkakasalan para magamit niya ang pagiging arkitekto. Tapos sa UP ng arkitekto ang poging artist.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …