Saturday , November 23 2024

P.2-M reward vs rape-slay suspect (Sa baby sa ilalim ng jeepney)

091614 money crime

TUMAAS na sa P200,000 ang reward laban sa suspek na dumukot, gumahasa at pumatay sa 11-buwan gulang sanggol na iniwan sa ilalim ng pampasaherong jeep sa San Juan City.

Ayon kay San Juan Mayor Guia Gomez, ang pabuya na dati ay P100,000 ay dinagdagan para sa agarang pagkaaresto sa suspek na walang-awang gumahasa at pumatay sa biktimang si Geralyn, anak ng mag-asawang sina Geraldine Mata at Ariel Cortez.

Magugunitang dinukot ang sanggol noong Agosto 1, 2014 dakong 3 a.m. sa Kalye N. Domingo, Brgy. Batis, ng nabanggit na lungsod.

Pagkaraan ay natagpuan ang sanggol sa ilalim ng pampasaherong jeep ni Efren Martinez, 57, sa Don Emilio Ejercito St., Brgy. Tibagan dakong 8 a.m.

Ayon kay Mayor Gomez, ang dagdag na P100,000 ay mula sa isang concerned citizen na ayaw magpabanggit ng pangalan, para maaresto ang suspek na si Arnel “Digoy” Tumbali, 20-24 anyos.

Kasong abduction, rape at homicide ang isinampa laban sa suspek. (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *