AMINADO si Karylle na naiinip na ang kanyang inang si Zsa Zsa Padilla kung kailan niya mabibigyan ng apo. Marami ang naghihintay kung kailan mabubuntis si Karylle, pero pinaka-excited daw sa lahat ay si Zsa Zsa.
“Si Mama (Zsa Zsa Padilla) talaga ang nagpi-pressure na lagi niyang sinasabi, ‘Inaantay ko na ang apo ko.’”
Pero sa parte ng singer/TV host, anytime daw na duma- ting ang baby ay handa naman siya.
“Masyado yung pressure once you say, ‘I want it’ or ‘I want a baby at this age or after a year.’ Parang masyado daw grabe ‘yung pressure. Ako, may plano at the back of my head, pero ayoko masyadong isipin.
“Pero anytime na dumating iyong baby, ready na.”
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
