Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Generations of Love, bagong kinakikiligan sa “Be Careful” (Swak sa young at young-at-heart…)

091214 kathniel jodi richard

ni Peter Ledesma

Love stories para sa lahat ng henerasyon ang araw-araw na nagpapangiti at nagpapakilig ngayon sa TV viewers ng “Be Careful With My Heart” ng ABS-CBN. Bukod sa mas makulay na buhay mag-asawa nina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief (Richard Yap), mainit rin tinututukan ng mga kabataan ang namumuong kilig sa pagitan nina Luke (Jerome Ponce) at sa co-intern nito na si Joni (Shy Carlos), at Nikki (Janella Salvador) at sa bestfriend ng kuya niya na si Nicolo (Marlo Mortel). Kinaaliwan rin ng viewers, lalo na ng young-at-heart ang magka-chat sa Facebook na sina Manang Fe (Gloria Sevilla) at Mang Anastacio (Carlos Salazar) na mistulang may kaugnay noong kanilang kabataan. Magkakaaminan na ba ng kanilang tunay na nararamdaman ang “Be Careful” teens? Ano ang sikreto ng nakaraan nina Manang Fe at Mang Anastacio? Ano ang mga kakaiba at nakaaaliw na gagawin nina Maya at Ser Chief para mabigyan ng quality time ang isa’t isa? Huwag palampasin ang mga sorpresang pampakilig at patuloy na ma-inspire ng number one feel-good habit ng bayan, “Be Careful With My Heart,” araw-araw, sa Primetang- hali ng ABS-CBN. Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa ABS-CBN.com, sundan ang @becareful sa Twitter, at i-“like” ang official Facebook page ng show sa Facebook.com/becarefulwithmyheartoffi- cial.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …