INIUTOS ng Department of Justice ang pagsampa ng kasong tax evasion laban sa anak ni Janet Lim Napoles na si Jean Napoles.
Ayon sa DoJ, may probable cause para kasuhan si Jeane Napoles.
Batay sa ulat ng Bureau of Internal Revenue na naghain ng kaso sa DoJ, nabigo ang batang Napoles na magbayad ng buwis na umaabot sa P32 million.
Ayon sa BIR, naka-bili si Jeane ng condominium unit sa Ritz Carlton sa Los Angeles na nagkakahalaga ng P54 million at may share sa property sa Bayambang, Pangasinan.
Ngunit walang inihaing income tax return ang anak ng tinaguriang mastermind sa pork barrel scam.
Nabatid na ipinangalandakan pa noon ni Jeane Napoles ang maluhong lifestyle, palaging nagpa-party at mayroong Porsche Cayenne at Porsche Boxster, bukod pa sa mamahaling mga damit, alahas at sapatos.