Saturday , November 23 2024

BBL titiyaking batay sa konsti – Sen. Koko

091114 bangsamoro muslim rali protest

IGINIIT ng isang grupo ng mga Muslim sa kanilang kilos-protesta sa Mendiola Bridge ang agarang pagsasabatas ng Bangsamoro Basic Law (BBL). (BONG SON)

PANGUNGUNAHAN ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagbusisi sa isinumite ng pamahalaang Aquino na borador ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso kung hindi ito lalabag sa kasagraduhan ng Konstitusyon at sa umiiral na mga demokratikong proseso sa bansa.

Ikinalugod ni Pimentel ang hakbang bilang pagsulong ng pananalig lalo sa bahagi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil bilang taga-Mindanao, dadaan ang BBL sa pagbusisi ng publiko tulad ng ibang batas lalo’t sangkot ang paghahati ng kapangyarihan at kayamanan ng pamahalaan at ng panukalang Bangsamoro regional government.

“Ang aksiyon lamang na magsadya sa Kongreso at kumilos para pumasa ang BBL ay isang makabuluhang hakbang para sa MILF na pinakamalaki at pinaka-organisadong sesesyonistang grupo sa Mindanao,” ani Pimentel. “Titingnan nating mabuti ang mga probisyon ng batas base sa umiiral na sa bansa tulad ng Local Government Code at lalo pa ang Konstitusyon. Dapat maging bukas ang isip ng lahat at pakinggan ang panig ng lahat ng kasangkot upang manatiling konstruktibo, mahinahon at demokratiko ang mga diskusyon kaugnay nito.”

Bilang tagapangulo ng mga komite ng repormang panghalalan at katarungan sa Senado, idiniin ni Pimen-tel na pag-uukulan niya ng pansin  ang mga probisyon kaugnay sa mga estruktura, gawain at kapangyarihang pampolitika ng Bangsamoro regional government at ikokonsidera kung paano na ang panukala niyang Bigger Pie, Bigger Slice na paghahati sa mga kita ay pakikinabangan ng mga komunidad sa Bangsamoro.

Sa deliberasyon ng BBL
MISUARI IIMBITAHAN NG SENADO

AANYAYAHAN ng Senado si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari upang ibahagi ang kanyang mga kaisipan sa gaganaping pagdinig sa panukalang Bangsamoro Basic Law.

Sa turnover ceremony sa Palasyo ng BBL draft sa Kongreso, sinabi ni Sen. Bongbong Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, binabalak nilang pansamantalang ipasuspinde ang warrant of arrest laban kay Misuari upang makadalo sa deliberasyon ng Senado sa BBL.

Si Misuari ay pinaghahanap ng mga awtoridad sa kasong rebelyon bunsod ng sinasabing pagpapasimuno ng Zamboanga siege noong Setyembre 2013.

Naniniwala si Marcos na magiging ganap ang tagumpay ng kapayapaan sa Mindanao kung parehong kalahok sa proseso ang MILF at MNLF.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *