AANYAYAHAN ng Senado si Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari upang ibahagi ang kanyang mga kaisipan sa gaganaping pagdinig sa panukalang Bangsamoro Basic Law.
Sa turnover ceremony sa Palasyo ng BBL draft sa Kongreso, sinabi ni Sen. Bongbong Marcos, chairman ng Senate Committee on Local Government, binabalak nilang pansamantalang ipasuspinde ang warrant of arrest laban kay Misuari upang makadalo sa deliberasyon ng Senado sa BBL.
Si Misuari ay pinaghahanap ng mga awtoridad sa kasong rebelyon bunsod ng sinasabing pagpapasimuno ng Zamboanga siege noong Setyembre 2013.
Naniniwala si Marcos na magiging ganap ang tagumpay ng kapayapaan sa Mindanao kung parehong kalahok sa proseso ang MILF at MNLF.
(ROSE NOVENARIO)