Monday , December 23 2024

2 tiklo sa P5-M shabu sa QC mall

ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug dealer makaraan makompiskahan ng P5 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang mall sa Cubao, Quezon City, kamakalawa.

Sa ulat ng PDEA, kinilala ang mga suspek na sina Benigno Mendoza, 30, at Jaylord Torero, 23, kapwa residente sa Pasig City.

Ayon kay Richard Tiñong, hepe ng Plans and Operations ng PDEA-National Capital Region (NCR), nasakote ang mga suspek makaraan ang halos dalawang linggong surveillance.

Nang mag-positibo ang impormasyon, agad nakipag-transaksyon ang PDEA sa mga suspek upang bumili ng 50 gramo ng shabu at naganap ang bentahan sa isang mall sa Cubao dakong 5 p.m.

Bukod sa 50 gramo ng shabu, nakompiska rin sa mga suspek ang isang kilo ng droga.

Sinasabing ang nasabing droga ay hi-grade na shabu, tinatawag na China brown at may market value na P5,250,000. (ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *