Dear Señor H,
Panaginip ko po na pumasok ang baha. Ang lakas ng agus ng baha. Sa bintana na maliit pumasok po. Ano po ibig sabihin yun. (09309887373)
To 09309887373,
Kapag nanaginip ng baha, ito ay may kaugnayan sa pag-release ng sexual desires. Maaari rin namang may kaugnayan ito sa emotional issues at tension. Ang iyong nakuyom o sinariling damdamin ay may malaking epekto sa iyo na labis na nagdudulot sa iyo ng pagkabagabag. Alamin kung saan o paano nagkaroon ng baha, na sa estadong ikaw ay gising ay nagdudulot sa iyo ng stress at tension. Alternatively, maaari rin namang paalala ito sa iyo na baka ikaw ang nagbibigay ng pagkabagabag sa iba dahil sa iyong pagiging demanding, katarayan, at pagiging matigas ang ulo. Sa kabilang banda, posible rin namang nagpapakita ang panaginip mo ng hinggil sa spiritual change o reawakening. Maaari rin naman na may kaugnayan ang panaginip mo sa pinagdadaanang problema sa kasalukuyan, kaya dapat kang maging matatag sa mga pagsubok at huwag mawawalan ng pananalig sa Diyos.
Sa kabilang banda, posible rin naman na ang panaginip mo sa baha ay may kaugnayan sa mga nararanasang pagbaha ngayon dito sa ating bansa bunsod ng pagpasok ng panahon ng tag-ulan. Madalas mo itong nararanasan ngayon at nag-manifest lang ito sa iyong bungang-tulog.
Ang bintana naman sa panaginip ay ay may kaugnayan sa bright hopes, vast possibilities and insight. Maaaring may kaugnayan din ito sa outlook sa buhay, pati na ang ukol sa intuition and awareness. Posibleng hinggil din ang ganitong bungang-tulog sa hinahanap na mahalagang desisyon o soul searching.
Señor H.