Saturday , November 23 2024

Suspension order vs Enrile epektibo na — Drilon

090214 drilon JPE
EPEKTIBO na simula kahapon ang suspensiyon bilang senador kay Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Inianunsyo ito ni Senate President Franklin Drilon bago siya sumabak sa ALS ice bucket challenge kahapon.

Ayon kay Drilon, natanggap na niya ang final suspension order ng Sandiganbayan laban kay Enrile makaraan ibasura ang motion for reconsideration.

Paliwanag ni Drilon, wala siyang magagawa kundi ipatupad ang kautusan ng Sandiganbayan.

Dahil dito, hindi na maaaring maghain ng ano mang panukalang batas si Enrile, hindi na rin maaaring pumirma sa mga committee report at hindi tatanggap ng sweldo sa loob ng tatlong buwan mula ngayon.

Nilinaw ni Drilon, hindi apektado ng suspensiyon ang mga staff ni Enrile dahil sila ay empleyado mismo ng Senado. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *