ITINATAG ng Palasyo ang isang inter-agency task force na mayorya ay “fratmen” sa administrasyong Aquino, upang repasuhin ang Anti-Hazing Law para maiwasan ang mga karahasan sa mga fraternity.
Sa bisa ng Memorandum Circular No. 68 na nilagdaan ni Executive Secretary Paquito Ochoa noong Agosto 28, nais ni Pangulong Benigno Aquino III na tiyaking magkakaroon ng hustisya ang mga biktima ng hazing at kanilang pamilya, at mabusisi ang Anti-Hazing Law.
“President Aquino shares the concern of many parents and educators over the violations of the Anti-Hazing Law,” ani Ochoa.
Ang task force ay pangungunahan ni Justice Secretary Leila de Lima, opisyal ng Lambda Rho Sigma sorority, habang ang mga miyembro ay sina Defense Chief Voltaire Gazmin ng Beta Sigma fraternity, Philippine National Police (PNP) chief Alan Purisima ng Grand Lodge of Free and Accepted Masons of the Philippines, Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Patricia Licuanan, Interior Secretary Mar Roxas, National Youth Commission at Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs.
“The interagency body is also tasked to formulate policies and develop modes of coordinating and monitoring of the implementation of programs, projects and guidelines to prevent hazing fatalities, according to the memorandum circular which takes effect immediately,” sabi ni Ochoa.
Inatasan ang task force na magsumite ng periodic report sa Tanggapan ng Pangulo.
(ROSE NOVENARIO)