Thursday , December 26 2024

Pinoy peacekeepers nakatakas sa Syrian rebels (Golan Heights ‘di tatalikuran)

090114 golan peacekeepers filipino

NASA ligtas nang lugar sa Golan Heights ang Filipino peacekeepers na nakatakas makaraan ang pitong oras na sagupaan laban sa Syrian rebels.

Ito ang kompirmasyon ni AFP Chief of Staff Gen. Gregorio Catapang sa press confenrence sa Camp Aguinaldo kahapon ng umaga.

Tinawag ni Catapang na “The greatest escape” ang ginawa ng Filipino peacekeepers nang matakasan ang natutulog na mga rebelde sa kalagitnaan ng gabi mula sa kanilang kinaroroonan na Position 68 at Position 69.

Sa ngayon ay nasa Camp Ziuoani na ang mga kababayang peacekeepers at ligtas na ang kanilang kinaroroonan laban sa mga rebelde.

Binigyang diin ni Catapang na hindi sumuko ang mga sundalong Filipino sa kabila ng pitong oras na palitan ng putok laban sa mga rebelde.

GOLAN HEIGHTS ‘DI TATALIKURAN NG PINOY PEACEKEEPERS

HINDI tatalikuran ng Filipino peacekeepers ang kanilang tungkulin sa kabila nang pagka-trap at napasabak sa pitong oras na sagupaan laban sa Syrian rebels sa Golan Heights.

Ito ang binigyang diin ni AFP chief of staff, Gen. Gregorio Catapang Jr., makaraan makatakas ang Filipino peacekeepers mula sa banta ng mga rebelde at ngayon ay nasa Camp Ziuoani na.

“The Armed Forces of the Philippines and the United Nations will not compromise the safety and security of our troops while in the pursuit of their duties. It is in our national interest to prioritize their safety without abandoning our commitment to international security,” ani Catapang.

Tatapusin aniya ng mga kawal ng Filipinas ang kanilang tour of duty sa Golan Heights hanggang sa matapos ito sa Oktubre.

Bukod sa suporta ng pamahalaan ng Syria at Israel, tumutulong din ang tropa ng Estados Unidos at Qatar para sa seguridad Filipino peacekeepers.

“Governments including the United States and Qatar also played a role in the safeguarding our peacekeepers,” wika pa ni Catapang.

Kasabay nito, pinapurihan ng pamunuan ng AFP ang ipinakitang tapang ng Filipino peacekeepers.

“We commend our soldiers for exhibiting resolve even while under heavy fire. This manifests their determination to fulfill our commitment to the community of nations,” wika ng opisyal.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *