Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot isinemento sa plastic drum

MASANGSANG na ang amoy ng bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na isinilid at isinemento sa plastic drum nang matagpuan sa Novaliches, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Inaalam ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakakilanlan sa biktima na nasa edad 30 hanggang 35, katamtaman ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng blue t-shirt, black jacket at shorts, may tattoo na Noah, Banjo 128. Tadtad ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang bangkay.

Dakong 3:35 a.m. nang matagpuan ang bangkay sa panulukan ng Santiago Avenue at Ciriaco St., barangay Sta Monica.

Nagpapatrolya ang mga tanod ng Sta. Monica, na sina Joselito Guerrero at Jonathan Pelo, nang mapansin ang isang plastic drum na pinagmumulan ng masangsang na amoy.

Nang usisain ang drum, tumambad ang paa ng tao na nakabaldosa kaya agad inireport sa pulis. Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …