Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Piloto kinikilan enforcer kalaboso

NAKALABOSO ang isang traffic enforcer na inakusahang nangikil sa isang piloto kamakalawa sa lungsod ng Pasay .

Nasa kustodiya na ng Pasay City Police ang suspek na si Darell Ropan, 35, ng #712 E. Rodriguez St., Malibay ng nasabing lungsod, miyembro ng Pasay Traffic and Parking Management Office (PTPMO).

Habang kinilala ang complainant na si Anthony Gabriel Divino Flores, 25, ng #135 Marquez St.,  Brgy.  Bagong Anyo, Dolores, Quezon.

Ayon sa pahayag ng biktima sa Pasay City Police, naganap ang insidente dakong 4:30 p.m. sa Taft Avenue ng naturang lungsod.

Aniya, binabaybay nila ang  north-bound lane patungong Rotonda-EDSA, ngunit pagsapit sa naturang lugar ay bigla silang pinara ng suspek.

Sinita ang biktima dahil conduction sticker lamang ang nakakabit sa kanyang kotse dahilan upang makiusap siya sa suspek. Sinabi ng suspek na magbibigay siya ng P500 para makuha ang kanyang lisensyang nakompiska. Agad nagbigay ang biktima sa suspek ngunit pagkaraan ay nagreklamo sa Station Operation Unit (SOU) ng Pasay City Police.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …