Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Urot na driver kritikal sa kuyog ng 3 kelot

INOOBSERBAHAN ang 42-anyos driver makaraan pagtulungan bugbugin at saksakin ng tatlong lalaki kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nakaratay sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Pedro Pingoy, ng 69 Malumanay St.,Teachers Village, Quezon City.

Sa follow-up operation ng mga awtoridad, naaresto ang mga suspek na sina Ronald Gallego, 33; Rex Menes, 33; at Jose Noah Ombion, 23-anyos.

Nangyari ang insidente dakong 9 p.m. sa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard ng nasabing lungsod.

Sinisingil ng utang ni Gallego si Ombion na humantong sa kanilang pagtatalo. Inawat sila ni Menes ngunit pinagsasampal ni Gallego si Ombion at tinakot na sasaksakin.

Nagresponde ang ilang security guard sa insidente habang nakiusyuso si Pingoy.

“Sige nga, saksakin mo nga,” kantiyaw ni Pingoy kay Gallego na ikinairita ng mga suspek kaya pinagtulungan nilang bugbugin at saksakin ang biktima.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …