MINSANG nasabi ng palabiro ko’ng kaibi-gang si Jun na ang awitin ni Freddie Aguilar na “Bulag, Pipi at Bingi” ang madalas na kantahin sa mga videoke at sayawin ng mga “Magdalena” sa mga night club sa Airport Road sa Baclaran, Parañaque.
Ang birong ito ay may bahid ng katotoha-nan dahil patama ito sa mga awtoridad na nagmimistulang bulag, pipi at bingi sa mga ilegal na gawain sa loob ng nasabing mga establisim-yento.
Talamak ang pagbebenta ng panandaliang aliw sa loob mismo ng mga VIP room ng ilang videoke bar at club o kaya ay ang pagte-”take out” ng mga kostumer sa mga GRO. Mayroon din ilan na nagpapalabas ng malalaswang sayaw.
Marahil daw ay bulag o nagbubulag-bulagan ang pulis dahil may bagay na sumisilaw sa kanilang mga mata. ‘Ika nga ni Ka Freddie: “Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan…”
Marahil din ay pipi o nag-aarteng pipi lang sila kapag may mahahalagang papel na tumata-kip sa kanilang mga bibig at isesenyas na lang kung ilang piraso ang dapat itapal. Sabi nga ni Freddie: “Sampung daliri, kaibigan, diyan ka nila pakikinggan…”
Maaari rin daw na bingi sila sa reklamo ng mamamayan at mga mamamahayag dahil sa lakas ng kalansing ng pilak na nanggagaling sa mga puwesto sa Airport Road. Ayon din kay Ka Freddie: “Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo.”
Marahil kailangan na ng pulisya na gumamit ng antipara, magsepilyo o uminom ng salabat, at maglinis ng tenga, dahil ‘eto na, simulan n’yo nang magbasa, sumigaw ng “Raid!” at makinig sa mga reklamong ito.
Sa dulong katimugan ng Airport Road sa Baclaran, ang panandaliang ligaya ay puwedeng mabili sa Golden Cave, White Isle, Wild Aries, at Sky Island.
Kabilang naman sa mga inirereklamong videoke bar ang Shane D, Sweet M, Jomarks, Monarks, GoGo, at Haya.
***
Ibinubuking lang ng pahinang ito kung paanong napupuwersa sa kalaswaan ang ilang menor de edad na “Magdalena” para ialok ang kani-kanilang sarili sa Parañaque, gayondin ang proteksiyong nakukuha ng mga operator mula sa mga makapangyarihan.
Kung ating seseryosohin ang biro ni kaibi-gang Jun, hindi ito nakatutuwa para sa mga awtoridad. Siguro dapat nang pagsikapan ni Chief Superintendent Jose Erwin Villacorte, Southern Police District director, na tuldukan ang mga ilegal na gawain sa Airport Road.
Ito ay malinaw na prostitusyon at paghamak sa karapatan ng kababaihan.
Ano naman kaya ang masasabi ni Senior Supt. Ariel Andrade, Parañaque police chief?
‘E si Mayor Edwin Olivarez, walang pakialam ba sa mga sex-quickie-club sa siyudad niya?
***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.
Robert B. Roque, Jr.