Sunday , December 22 2024

ISPs, NTC, dapat imbestigahan ng Senado

00 firing roque
MAY nabasa akong artikulo sa Internet nitong Sabado. Isinulat ito ni Fr. Shay Cullen, isang Irish Columban missionary priest.

Tinalakay sa artikulo (http://www.ucanews.com/news/shining-a-light-on-pedophilia-in-the-philippines/71561) ang pang-aabuso ng mga dayuhang pedophile sa mga batang Pinoy at pinagkakakitaan sa pagbebenta sa Internet ng mga hubad na retrato ng kabataan. Ipinapakita rito ang kapabayaan at korupsiyon sa gobyerno at ang pagsuway sa batas ng mga Internet Service Provider (ISP).

Binatikos ni Fr. Cullen, na nagtatag ng Preda Foundation sa Olongapo City noong 1974 upang isulong ang karapatang pantao, partikular ng mga batang biktima ng pang-aabusong seksuwal, ang mga ISP at ang National Telecommunications Commission (NTC) ng gobyerno sa kabiguang gawin ang kanilang trabaho at tuldukan ang pang-aabuso.

Sinesegundahan ko siya nang isinulat niya: “The Philippines passed a law in 2009 that requires the installation of filters and software on servers of ISPs, but it remains unimplemented. (Isang batas ang ipinasa ng Pilipinas noong 2009 na nag-oobliga sa pagkakabit ng mga filter at software sa mga server ng ISPs, pero hindi pa rin ito naipatutupad.)

“Telecommunication companies and the government’s National Telecommunication Commission are in some kind of collaboration. They seem to be in a criminal conspiracy to subvert the law. (Mistulang may alyansa ang mga telecommunication company at ang National Telecommunication Commission ng gobyerno. Para bang may sabwatan sila upang isabotahe ang batas.)

“If implemented, the law can at least protect thousands of children from abuse. But the government has failed to act, and has failed the Filipino children, a worse crime it would seem than politicians stealing billions of pesos from the people. (Kung maipatutupad, mapoprotektahan ng batas ang libo-libong bata mula sa pang-aabuso. Pero bigong kumilos ang gobyerno, binigo ang mga batang Pinoy, isang krimeng mas masahol pa sa pagnanakaw ng bilyin-bilyong piso ng mga politiko.)

“The failure to implement the law has become a grave injustice to the Filipino people and the children. It has also become a stark reminder how rich corporations manipulate government agencies and officials to continue to earn huge profits from the transmission of illegal images of children. (Ang kabiguang maipatupad ang batas ay isang matinding kawalang hustisya para sa mga Pinoy at sa mga bata. Isa rin itong malinaw na tagapagpaalala kung paanong minamanipula ng mayayamang korporasyon ang mga ahensiya ng gobyerno at mga opisyal upang patuloy na kumita nang limpak-limpak sa pagbebenta ng malalaswang retrato ng mga bata.)”

Kaugnay nito, dapat umapela ang Senado para imbestigahan kung bakit hindi tumatalima sa batas ang mga ISP at kung bakit bigo ang NTC na i-regulate.

Tama si Fr. Cullen. Ang pang-aabuso sa mga bata ay mas masahol pa sa mga politikong nangungulimbat ng bilyon-bilyong piso mula sa mamamayan. Walang ibinulsang PDAF ang tutumbas sa pagnanakaw sa kaluluwa ng kinabukasan ng bansa.

***

Ang artikulo ni Fr. Cullen ay nagpaalala sa akin sa nalathala sa kolum na ito noong Hunyo 12. Sa kolum na may titulong “Angeles sex sa ‘Net,” ibinunyag ko ang hindi masawatang kalakalan ng laman sa Clark Field, Angeles, Pampanga, na inianunsiyo sa Internet.

Nagkukunwaring travel guide ng mga turista, patuloy na bumibida ang Angeles sa cyberspace at sikat pa rin bilang isang lugar na nag-aalok ng pinakamalalaswang pantasya sa presyong can afford kahit ng nanlilimahid na mama sa kalsada.

Kilala bilang Fields Avenue Guide Page, ang web page ay hindi lang advertisement ng mga prostitution den, girly bars at nakababaliw na webcam sex shows. Nagbibigay din ito sa Net surfer ng detalyadong agenda para sa gabi ng “sexcapade” at may mga wais tips pa para siguruhing maisasagad ang pagtatampisaw sa kaligayahan nang hindi gumagastos nang malaki.

Sa kabuuan, ang web page, na target ang mga binata hindi lang sa Amerika kundi maging sa iba pang parte ng mundo, ay isang advertisement-advisory na nangangakong mag-e-enjoy ang kliyente, at magiging safe ito. Siyempre pa, sa pamamagitan ng mga nalagasan ng pakpak na anghel ng Pampanga.

Sa Facebook, mayroon din kaparehong page na nagpo-promote sa Fields Avenue kompleto sa retrato ng mga hubad na kabataang babae ng Angeles. Ang page ay pinangangasiwaan umano ng isang Viaggi Solo di Sesso.

Hindi dapat na kaawaan ang mga sex tour operator na nasa likod ng racket sa Internet, at gobyerno ang nasa posisyon para kumilos laban sa kanila. Magiging napakadali lang nito, dahil ang mga isyung gaya nito ang paboritong sawsawan ng mga politikong umaasinta ng panalo sa 2016.

Pero kung mangyayari nga, mabubusalan lang ang ipinangangalandakan sa mundong advertisement ng malupit na realidad na umiiral sa Angeles.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *