BUMABALIGTAD ang sikmura ko sa isiping lilihis ako ng tatalaka-yin ngayon (mula sa “chopsuey” na pasu-galan sa Maynila patungo sa mga pugad ng tayaan sa Quezon City at CAMANAVA o Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela).
Na-realize ko na matapos ko’ng buong sigasig na tipahin ang mga pangalan ng mga sangkot at ilantad ang mga lugar na talamak ang ilegal na pasugalan, pinaka-hindi katanggap-tanggap para sa akin ang basta na lang abandonahin ang katotohanang ito.
Kung gagawin ko ‘yun, para na rin akong nagbulag-bulagan sa isang napakapangit na realidad. Kaya naman nakaiinis isipin kung paanong sadyang ipinipikit ng Manila City Hall at ng Manila Police District ang kanilang mga mata sa naglipanang video karerahan, horse-race bookies, at mga lottengan sa lungsod.
Hanggang kailan kaya mapaninindigan nina President-Mayor Joseph Estrada, Chief Supe-rintendent Rolando Asuncion, MPD director; at Chief Inspector Bernabe Irinco, Jr., hepe ng Manila City Hall Action and Support Assignment (MASA), ang three-blind-mice masquerade na ito?
Pero patok sa Quiapo ang pagbubulag-bu-lagan. Simple lang ang kailangang gawin; ipikit ang mga mata habang nakasahod ang magkabilang palad. Tama po ba, mayor?
***
Kung ididilat lang na maigi ng mga opisyal ng lungsod at ng pulisya ang kanilang mga mata, malinaw nilang makikita na ang pinaka-big time na gambling lord sa Maynila ay si “Boy Abang.” Siya ang humahawak sa mga patayaan ng ka-rera ng kabayo at pa-lotteng (kombinasyon ng lotto at jueteng) sa Tondo, Manila. Isang “Lorna,” na inaanak niya sa kasal, ang tumutulong sa pa-ngangasiwa sa milyon-piso niyang operasyon.
At sino naman ang awtomatikong nagpapapikit sa mga pulis? Itinuro ng aking espiya ang isang “Philip,” na bagman ni Boy Abang, at si-yang sumisiguro na walang mangre-raid sa kanilang mga negosyo.
Gaya ni Boy Abang, may sariling paraan din si “Jun Moriones,” isang lotteng operator sa lungsod, para magpanggap na bulag ang awtoridad at hindi maispatan ang kanyang ilegal na negosyo.
Pagdating naman sa isang negosyanteng pulis na may pangalang “Ver Navarro,” mukhang may mga katarata na ang mga mata ng MASA.
Ayon sa mga source, si Ver Navarro ay may illegal bookies sa Kamaynilaan na minana niya pa sa retiradong gambling lord na si “Pasia.” Si Pasia naman ang nagmana ng negosyo mula sa yumaong pulis na si “Tom Pulis” na ang pangalan ay katumbas na ng horse-race bookies, lotteng at jai-alai sa Beata, Pandacan (ang kanyang te-ritoryo).
Isa pa rin pulis na kilala bilang “Paknoy,” isang sarhento ng National Capital Regional Police Office, ang nagbibigay ng glaucoma sa mga awtoridad.
Sa ‘pakikisama’ sa kanyang mga ‘kabaro’ napapanatili ni Sgt. Paknoy ang pagkakapikit nila kaya naman hindi sila makaiistorbo sa bookies at sa iba pang kapwa operator na kanyang pinoproteksiyonan.
Malamang na napapapikit din ang mga awtoridad kapag nababanggit ang mga pangalan nina Obet Ignacio, alyas “Billy,” “Edna” at “Enteng.” Nagkukumpolan ang puwesto nila sa eskinita ng Vargas, bukod pa sa ibang puwesto sa Kamaynilaan.
‘Tila nakabubulag din sa awtoridad ang mga pasugalan nina Jeff at Anna sa Sampaloc, ni Perry sa Pandacan, ni Rowena sa 5th District ng Maynila, ni Deborah na nangangasiwa sa negosyo ng beteranong gambling operator na si Apeng Sy sa Binondo at sa iba pang lugar sa ikatlong distrito ng lungsod. Kasama rin ang mga magbu-bookies na sina Zaldy Marquez at Pandete na nagkakalat ng “sakit” na “nakabubulag.”
Ewan ko ba kung bakit sa dinami-rami ng mga makina ng video karera sa buong Maynila ay walang nakikita, nakukumpiska at hindi maipatigil ang operasyon nina Gina at Romy Gutierrez.
Ayaw kong maniwala na bulag ang mga awtoridad sa operasyon ng mga gambling lord at bukas-palad nilang tinatanggap ang ganitong uri ng negosyo sa Maynila. ‘Yun nga lang, ang mga nagsusumbong sa Firing Line ay bukas na bukas ang mga mata!
***
SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.
Robert B. Roque, Jr.