Sunday , December 22 2024

Nasaan na ang daang matuwid?

DELIKADONG matapilok sa tinatahak nilang daan sina Pangulong Aquino at Department of Budget and Management (DBM) Secretary Butch Abad. Kung hindi sila mag-iingat, tuloy-tuloy na bubulusok ang satisfaction ratings ng administrasyon ni PNoy hanggang sa 2016, sa panahong matatapos na ang anim na taon niyang pananatili sa Malacañang.

Matindi kasi ang ngitngit ng publiko kasunod ng pagdedeklara ng Supreme Court na labag sa batas ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Sinasabi ng ilang eksperto sa batas na dahil sa DAP ay posibleng mapatalsik sa puwesto si PNoy sa pamamagitan ng impeachment. Naniniwala ang mga kritiko at ang mga lider oposisyon na dapat nang bumaba sa puwesto si Noynoy.

Bagamat malabong mangyari ang impeachment o pagbibitiw sa tungkulin ni Aquino, hindi naman imposible ang pagpapatalsik kay Abad. Hinihiling ng iba’t ibang sektor ang ulo ni Abad, na umano’y “utak” ng DAP.

***

Kung patuloy na maninindigan si PNoy bilang mabuting kaibigan ni Abad, puwede siyang tawagin na masamang presidente sa pagpoprotekta niya sa isang kaalyado na pinaniniwalaang nagkasala. Posibleng ito na ang simula ng dead end ng programa niya para sa Matuwid Na Daan, gayundin ng kanyang administrasyon.

Hindi naman sekreto na nariyan lang at laging nakaantabay ang militar, at maaaring sa pagkokontsabahan ng mga kaaway ni Aquino ay sumiklab ang pagrerebelde, gaya ng mga karaniwang eksena noong panahon ng administrasyon ng kanyang ina.

***

Heto ang opinyon sa isyu ng bagitong si Parañaque Rep. Gus Tambunting, na isa sa mga tinaguriang “congressmen without PDAF”:

“Dapat na sumunod na lang ang Pangulo sa desisyon ng Supreme Court at ‘wag nang kumontra pa. Mag-move on na siya at sikaping gawin ang kanyang makakaya gamit ang natitirang pondo upang legal na mapasulong ang bansa sa huling dalawang taon niya sa puwesto. Dapat na tigilan na niya ang pamomolitika at subuking pag-isahin ang bansa. Isipin niya ang magiging legacy niya sa kasaysayan.”

***

Mula sa Facebook account ng isang mabuting kaibigan, ang journalist na si Jess Matubis, narito naman ang komento ni UP Professor Clarita Carlos: “…the Aquino administration could have used DAP funds more productively. I just visited the laboratories of the NBI and you know what I saw there, instead of using glass beakers, they’re using Gatorade bottles, for God’s sakes.”

“If you’re telling me that you’re getting the savings of these agencies and you’re using them for some reasons, NBI is a good reason to put money in.”

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *