Sunday , November 17 2024

Talamak na paihi at pasingaw sa Region 3 & 4

TINALAKAY noong Huwebes ng kolum na ito ang pagnanakaw ng krudo ng isang asosasyon ng mga sindikato sa mga barko, barge at depot sa Bataan, Pampanga at Cavite.

Kung mayroon paihi ng diesel at gasolina, mayroon din tinatawag na pasingaw. Ito naman ang pilferage o pagbabawas ng laman ng mga tangke ng liquefied petroleum gas (LPG) o gas na pangluto na pag-aari ng mga lehitimong negosyante.

Ang mga napasingaw naman ay inililipat sa ibang tangke na ibebenta naman nang mura. Delikado ito at walang garantiyang ‘di magdudulot ng sakuna, tulad ng pagsabog ng substandard na lalagyan na ginagamit ng mga sindikato.

Ayon sa mga espiya ng Firing Line, laganap ang pasingaw ng LPG sa Valenzuela. Nanggagaling ang mga nakaw na gas sa Batangas, Pampanga at Cavite na idine-deliver umano ng mga truck na may mga tatak na “Kidlat” at “BMF” sa Ugong, Valenzuela.

Sinabi ng mga source na tatlong grupo ang sumisindikato rito.

Isa na rito ang isang Tony DR na kadalasan ay bumibili ng mga pasingaw na galing sa Pampanga at Cavite.

Isa naman Danny Chuwawa ang namamayagpag sa ilegal na negosyong ito sa Valenzuela. Mayroon din siyang branch sa Malabon at Meycauayan, Bulacan.

Ang pangtatlo ay isang nagngangalang Violago, na mahilig pumasok sa politika sa Bulacan ngunit walang hilig ang politika sa kanya. Habang nagpapasingaw umano siya sa Valenzuela, nagpapaihi naman daw siya ng krudo sa Cavite.

Chief Superintendent Edgar “Bay” Layon, Northern Police District director, Senior Supt. Ferdinand Divina, Bulacan police chief; at Senior Supt. Joselito Esquivel, Cavite police chief. Mga bosing, umaalingasaw na po ang amoy ng pasingaw na LPG sa mga teritoryo ninyo. Huwag n’yo na po’ng hintaying hikain pa ang mga taga-Valenzuela, Malabon, Bulacan at Cavite.

Paki-aksiyonan lang po!

***

Bukod sa sinasabing paihi nitong si Violago sa buong Cavite, sa bayan ng Carmona ay isa namang “Amang” ang umano’y nakatoka.

Sinabi ng mga espiya na sa Region 3 ay tuloy pa rin ang ligaya ng mga ilegalista sa pagpapaihi ng krudo at ‘tila walang nakikita ang mga awtoridad na nakasasakop dito.

Hindi naman siguro dahil sa may kinikita.

Ngunit ipinagmamalaki ng “Asosasyon” ng mga sindikato na “may ipinararating daw sila sa itaas” na tinatanggap ng isang kolektor na may alyas na “Mike Berdugo.”

Kinilala ng mga source mula sa PCG, PNP at Department of Energy ang mga operator sa kanilang alyas: si Lito ang pinakamalaking operator sa buong Bataan at sa San Simon, Pampanga; si Malyn, na may gasolinahan sa Orani, Bataan; si Norma sa Orion; sina Pedro at Bogs Toyo, na kapwa taga-Limay; isang Jovy at si Suya, ng Bataan; si Rudy sa San Simon; sina Rose at Roy, parehong mula sa Minalin; si Baby sa Sto. Domingo; at si Rey sa Bacolor, pawang sa Pampanga.

Senior Superintendent Audie Atienza, Bataan police chief; Senior Supt. Marlon Madrid, Pampanga police director; at Commander Ernesto Nunez, Bataan Philippine Coast Guard station chief: pakibusisi po ang mga operator ng paihi. Dapat po lamang silang hulihin, kasuhan at ipakulong.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *