Saturday , November 23 2024

DAP ni PNoy sa mga senador, sinahod din ni Napoles!

AYON sa whistleblower ng P10-B pork barrel fund scam, sinahod din ni Janet Napoles ang ilang bahagi ng nakuhang pondo mula sa DAP (Disbursement Acceleration Program) ng mga senador kay Pangulong Noynoy Aquino.

Ang DAP ay dineklara ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa batas ang ilang bahagi nito.

Sa inilabas na ‘statement of budget’ ng Department of Budget and Management (DBM) sa ilalim ni Secretary Butch Abad, 20 senador ang napagkalooban ng pondo mula sa DAP mula August 2012 – February 2013, kung saan ang may pinakamalaking nakuha ay si Senate President Franklin Drilon na nagkakahalaga ng P100 million na nailabas December 2012.

Kabilang umano sa mga mambabatas na nagpadaloy ng kanilang pondo kay Napoles mula sa DAP ay ang mga nahaharap ngayon sa plunder at graft cases sa Sandiganbayan kaugnay naman ng katiwalian sa kanilang regular pork barrel o PDAF (Priority Development Assistance Fund).

Kaya hinihiling ngayon ng taong bayan sa Commission on Audit (CoA) na ipalabas ang paper trail kung saan-saang proyekto napunta o anong organisasyon ang mga nabahagian ng pondo mula sa DAP ng 20 senador sa nakaraang dalawang taon (2012-2013).

CoA Chairman Grace Pulido Tan, transparency pls…

DSWD bakit wala pa ang mga yero, para sa Yolanda survivors?

– Joey, sobrang korap talaga ng Kalahi CIDDS, programa ng DSWD. Ang tagal i-release ng pera pambili ng yero dito sa Yolanda survivors sa Tanauan, Leyte. Tag-ulan na wala pa kaming mga bubong. Anong hinihintay nila, yung sunod na bagyo ba? Paki-kalampag naman sila. – 09104614783

Oo nga, napakabagal ng tulong ng gobyerno sa rehabilitation sa mga lugar na sinalanta ng Yolanda. Mabuti nalang at maraming private organizations na nagbibigay ng tulong sa ating mga kababayang naging biktima ng delubyo last year.

PNoy, anyare?

Daming mandurukot sa Cariedo (Rizal avenida, Manila)

– Sir Joey, ang dami at nagkalat na naman ang mga mandurukot dito sa Cariedo, sa Rizal avenida, Manila. Puro babae pa. Kawawa naman mga nadudukutan nila dito. Huwag nyo nalang ilabas numero ko. Dito po ako nagwo-work kaya nakikita ko sila. – Concerned citizen

Totoo ito. Kaya yung mga dumadaan dyan sa avenida, mag-ingat. Alaga ng mga pulis ang mga mandurukot dyan!

Nagkalat ang tulak sa Brgy. San Jose, Quezon City

– Mr. Venancio, report ko dito sa Brgy. San Jose, Tagaytay st., Quezon City ay nagkalat ang mga nagbebenta ng shabu kada pagsapit ng madaling-araw. Madalas po akong maalok nila. Ang mga kilalang tulak dito ay sila alyas Omar, Ronald, alyas Gob, Barog at Santi. Marami na po kabataan dito ang lulong sa droga. Walang aksyon ang barangay dito. Sana mag-operate dito ang PDEA o NBI. Maraming salamat po. Wag nyo nalang ilagay numero ko. Delikado. – Concerened citizen

Paging QCPD Anti-Drugs, paki-operate lang po ang mga basura sa naturang barangay. Aksyon!

Sobrang mahal ng bigas sa Samar!

– Mr. Venancio, ang probema namin dito sa Eastern Samar ay sobrang mahal ng bigas dito. Paki naman sa ating gobyerno. Nahihirapan na po kami. Wala kaming pinagkakakitaan dito ngayon, kasi ubos ang nyog dito. Salamat po. – Jimmy Boy ng Guiuan, Samar

Paging DTI, paki-monitor ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin sa Eastern Samar. Masyado na raw mataas ang bigas sa naturang probinsiya.

Pulis-Malabon nagbabagsak ng droga sa mga barangay

– Sir Joey, avid reader nyo po ako. Dati po akong kagawad ng barangay dito sa may Brgy. Sulukan, Malabon City. Talamak po ang bentahan ng droga dito. Sa akin pong pag-iimbestiga, nanggagaling ang lahat sa isang pangalang “Abarro” at ang pinagbebenta ay sina “Bugnot” at “Papa”. Malakas po ang loob ng mga ito dahil pulis daw ang amo nila. Sagot daw sila kay tserman at malakas daw sa mayor. Nagbabagsak din sila ng shabu sa Tansa, Navotas, sa Jacinto. Pamanmaman nyo nalang po ang mga ito. Wag po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]

Joey Venancio

About Joey Venancio

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *