Sunday , December 22 2024

Isang milestone sa PNoy admin (Kalaboso sa mga suspect sa PDAF scam)

ANG pagkakakulong ni Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa PDAF scam ay umani ng magkakaibang reaksiyon mula sa ilang sektor, pero sasang-ayon siguro silang lahat na ang nangyari ay isang milestone para sa lahat ng concern.

Isa itong milestone para sa administrasyong Aquino dahil, ayon kay Department of Justice (DoJ) Secretary Leila De Lima, naisakatuparan nila ang “what people said was a near impossible task: to have these big personalities who are perceived as untouchable finally prosecuted.” Sa madaling sabi, isa itong mahalagang bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa graft and corruption.

Isa rin itong milestone para sa publikong mapanghusga at sawang-sawa na sa katiwalian at ang opinyon ay naiimpluwensiyahan ng media, inosente man o guilty si Revilla at Estrada sa mga kasong kinakaharap nila.

Para kay Senator Revilla at Senator Estrada, isa rin itong milestone sa kanilang buhay (maging sa ordinaryo, pelikula at pulitika). Dahil sa humbling effect ng pagkakakulong ay makakapagmuni-muni sila at babalikan sa alaala ang kanilang mga accomplishment, mapaglilimi ang kasalukuyan nilang sitwasyon at makapagpaplano para sa kinabukasan ng kanilang career bilang action star at/o bilang pulitiko. Sa ngayon, ipagdasal nilaa muna na maging matatag sila sa harap ng matinding pagsubok na ito na inaasahan nilang agad na matatapos.

Para sa oposisyon sa pulitika, isa naman itong bagong kabanata ng estratehiya para sa 2016 elections. Puwede nitong angguluhan ang isyu bilang political persecution.

Hindi rin naman kasi maiwasang isipin ng mga kritiko na selective justice ang ipinatutupad ni Pangulong Aquino, na tanging malalaking personalidad ng oposisyon at silang may kinalaman sa nakaraang administrasyon ang kinakasuhan at ipinakukulong.

Ngayong naka-hospital arrest sa Veterans’ si dating Pangulong Arroyo at inaasahang anumang oras ay magiging kakosa na nina Revilla at

Estrada si Senator Juan Ponce Enrile kasama ang kanilang mga “kapitbahay”—ang nakakulong na Arroyo generals—sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame, para bang ipinahihiwatig na pawang tiwali ang mga miyembro ng oposisyon at mga opisyal ng nakaraang administrasyon at wala namang bahid dungis ang sa kanya.

Hinala ng skeptics na higit pa ito sa isang honest-to-goodness corruption campaign ng administrasyong Aquino; at ginagamit din ng gobyerno ni PNoy ang pork barrel scam para maglunsad ng political witch hunt, puntirya ang mga lider ng oposisyon na malaki ang tsansang manalo sa 2016 elections.

Dapat na patunayan ni PNoy na mali sila.

Kung gusto niyang mapanatili ang imahe niya sa mga Pinoy bilang isang tapat na presidente, e, hindi na niya kailangang lumayo pa. Dapat na simulan na niyang paimbestigahan, kasuhan at ikulong ang malalaking pangalan mula sa kanyang partido at gabinete na nadadawit din sa eskandalo. Dapat na buong pagpupursige na tugisin niya sila, gaya ng ginawa sa tatlong senador, sa pamamagitan ng DoJ at ng korte.

Kung kalabisan naman ang ideyang ito para sa kanyang administrasyon, ang magagawa na lang siguro ni PNoy ay ang “hilingin” sa kanyang mga government appointee na paulit-ulit na nasasangkot sa pork barrel scam na magsipag-resign na ang mga ito.

***

Sinabi ng mga kritiko na hindi maaaring gamitin ng Palasyo ang indictment ni dating Customs Commissioner Rufino “Ruffy” Biazon, kilalang kaalyado ng presidente, bilang halimbawa ng kampanya kontra katiwalian na walang halong pulitika.

Usap-usapang bago pa man siya mapabilang sa ikalawang batch ng reklamong inihain ng Justice department sa Ombudsman, sadyang paalis na si Biazon sa bureau na puwedeng dahil sa kanyang hindi epektibong pamumuno o resulta ng pamumulitika ng ilang opisyal ni Aquino. Nagmistulang excuse na lang ang isyu sa pork barrel para magbitiw siya sa puwesto.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

Robert B. Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *