Monday , December 23 2024

Tama na ang drama Mr. Bong Revilla

00 Bulabugin JSY

MUKHANG hindi pa rin nagigising sa katotohanan s Mr. Bong Revilla, Jr.

Akala yata niya hanggang ngayon ay nagso-shooting pa rin siya ng pelikula.

Kamakalawa, sa kanyang pagsuko with heavy drama sa Sandiganbayan, isinama niya ang kanyang buong pamilya hanggang sa kanyang mga apo.

Sinamahan siya ng kanyang pamilya patungong Sandiganbayan na animo’y isang bayani na iprino-prosecute ng mga kalaban …

Ang kanya namang misis, tila isang dramatic actress na hindi na-recognize at hindi nabigyan ng award kung  makaiyak sa Sandiganbayan.

Ay talaga naman kayong mag-asawang artista o, ang gagaling ninyong umarte. Okey lang ‘yan … ikaw naman ang topnotcher sa pork barrel ‘scam e.

Bukayong-bukayo na! At mismong ikaw pa, Mr. Senator but now no more, ang nagkompirma kay Commission on Audit (CoA) Chairperson Grace Pulido-Tan na pirma mo nga ang nasa dokumento nang minsang tanungin ka di ba?

Tapos ngayon sasabihin ninyo napolitika kayo ng Palasyo?

Kumusta na pala ang mansion mo sa Bacoor kung nasaan ang alaga ninyong TIGER? Talaga naman, pang-rich and famous na talaga ang lifestyle ninyo …

‘Yung mansion mo sa Ayala Alabang, pirmis na ba ang renovation o marami ka pang ipinadadagdag?

‘Yung lupa sa tapat ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Macapagal Avenue, ano na ang plano ng pamilya ninyo? May itatayo na ba kayong negosyo diyan?

Kunsabagay, mapag-iisipan mo na nang husto ‘yan kapag nahoyo ka na sa Crame … tiyak na mas marami ka nang magiging oras doon para mag-isip lalo na kapag humaba-haba ang ‘pagbabakasyon’ mo.

O kaya naman, baka maakabuo ka ng script at makagawa ng sequel ng “Ang Panday.”

Bilinan mo na lang si Esmi na kumuha ng magaling na accountant habang siya ay naglilingkurang congresswoman  … baka kasi mapasunod pa siya sa iyo sa Crame kapag hindi niya inayos ang accounting ng kanyang opisina …

Ayos ba, Mr. Senator?

Ikaw naman kasi, ang laki na ng kinikita mo sa pag-aartista ‘e nagpolitiko ka pa. Ayan tuloy … Pero sabi nga sabi nga ‘e you must face the consenquences of your previous decisions.

‘Yan ‘e di face the hard wall ka … hindi naman literal na himas-rehas ‘di ba?

Good riddance este good luck na lang sa hoyo!

P150-M KONTRATA NI CEDRIC LEE SA NAIAKANSELAHIN NA!

NGAYONG nahaharap sa isang mabigat na kaso (may tax evasion case pa) si Cedric Lee, hindi kaya manganib din ang nakuha  niya P150-M kontrata sa Manila International Airport Authority (MIAA) para sa repair ng parapet walls, attic, kisame, at ang elevated roadway ng NAIA Terminal 1?!

Si Cedric ang kasalukuyang chairman of the board at president ng Izumo Contractors Inc., na nakakopo ‘este nakakuha sa nasabing P150-M kontrata na dapat ay nagsimula noong October 2013 na popondohan ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Hindi pala ito kasama sa pondo ng Department of Transportation and Communications (DoTC) para sa P1.3 billion rehabilitation ng Terminal 1.

Ibig sabihin, direkta sa MIAA ang project ni Cedric Lee. Ang bigat mo talaga, Cedric boy!

Ngayon ang concern lang natin ‘e, kaya kayang tapusin ni Cedric ang kanyang kontrata sa MIAA kung ganyang nakahoyo na siya?!

‘E sa totoo lang hanggang ngayon e hindi pa tapos ang nasabing repair gayong sa kontrata ‘e nakalagay na walong buwan lang dapat (October 2013 to June 2014).

E paano na ngayon ‘yan?!

SoJ Leila de Lima, mapunta kaya sa wala ang P150-milyones pondo ng MIAA?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *