Saturday , November 23 2024

Minorya sa Senado mapipilay (Pag nakulong ang 3 pork senators)

MAPIPILAY ang pwersa ng minority block sa Senado kung makukulong na sina Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla dahil sa pork barrel fund scam.

Ito ang sinabi ni Sen. JV Ejercito Estrada, isa sa mga miyembro ng minorya sa Senado kasunod ng pagpapalabas ng Sandiganbayan ng warrant of arrest laban kay Sen. Revilla.

Samantala, inaasahan na isusunod din ang pagpapalabas ng mandamiento de aresto laban sa kapatid ni Ejercito na si Sen. Jinggoy at kay Sen. Enrile.

Ayon kay Sen. JV, apat na lamang sila nina Sens. Nancy Binay, Tito Sotto at Gringo Honasan ang natira sa minorya sa Senado at mabigat ito para sa kanila.

Ipinaliwanag niyang mahalaga ang pagkakaroon ng minorya sa isang demokrasyang pamahalaan upang magsilbing tagabantay.

(NIÑO ACLAN/

CYNTHIA MARTIN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *