Saturday , November 23 2024

NBI kasado sa aresto vs 3 pork senators

AMINADO si National Bureau of Investigation (NBI) Director Virgilio Mendez, nakapaghanda na sila sa posibleng pag-aresto sa mga akusado sa pork barrel case.

Ito’y makaraan mag-isyu ang Sandiganbayan ng hold departure order para kina Sens. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla, pati na sa kanilang mga co-accused sa pork barrel case.

Ayon kay Mendez, naniniwala silang ano mang oras ay maaaring maglabas ang korte ng mandamiento de aresto kapag nakompleto na ang mga kinakailangang proseso.

Maging si rehab czar Panfilo Lacson ay aminadong hindi na magtatagal at maglalabas na ang anti-graft court ng warrant of arrest laban sa mga akusado.

SURRENDER FEELERS IPINADALA SA CIDG

NAGPADALA na ng surrender feelers sina Sen. Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada at Bong Revilla sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Ayon kay CIDG chief Director Benjamin Magalong, nagkaroon sila ng gentleman’s agreement ng tatlong senador na kusa silang susuko.

Ito ay sa harap ng napipintong pag-aresto sa nasabing mga senador dahil sa kinakaharap na kasong plunder.

Inamin ni Revilla na nakipag-usap siya kay Magalong para tiyakin na huwag siyang babuyin kapag inaresto.

Giit ng senador, hindi sila tatakas kaya sana ay tratuhin sila nang makatao.

Bagama’t hindi alintana kung pulis o NBI ang magsisilbi ng arrest warrant, mas nais ni Revilla na sa CIDG sumuko.

Samantala, sinabi ni PNP spokesman Reuben Theodore Sindac, depende sa sirkumstansiya kung kailangan pang posasan ang tatlong senador kapag inaresto sila. (CYNTHIA MARTIN/NIÑO ACLAN/BETH JULIAN)

Kahit 90-anyos na
ENRILE ‘DI BIBIGYAN NG SPECIAL TREATMENT

HINDI makatatanggap ng special treatment si Senador Juan Ponce Enrile kapag naaresto siya dahil sa plunder at graft kaugnay sa pork barrel scam, pahayag ng National Bureau of Investigation.

sinabi ni NBI Director Virgilio Mendez, maaaring ilagay si Enrile kasama ang mga ordinaryong bilanggo.

“That’s the next possibility. Because we will not be giving them special accommodation,” aniya.

Dagdag ni Mendez, tatratuhin din mga normal na bilanggo oras na maaresto ang iba pang mga indibidwal na kinasuhan kaugnay ng pork barrel scam, kabilang na sina Senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla.

Ngunit naniniwala si University of the Philippines Professor Rowena Daroy – Morales na mabibigyan pa rin ng special treatment si Enrile, na ngayon ay 90-anyos na.

“Not his age per se, but what his age can bring, which is a lot of illnesses. A lot of physical conditions. Mas magiging considerate ang korte para mabigyan ng pagkakataon, pareho ng iba, ‘yung isang may edad na humarap sa hukuman,” aniya.

Habang para kay Senador Antonio Trillanes IV, kapag aarestuhin na si Enrile, dapat payagan na isailalim na lamang sa house o hospital arrest dahil sa kanyang edad.

“Bihira ‘yung may kakilala tayong 90-year-old sa ating bahay. So ‘yung mga ganyang edad medyo maseselan na ‘yan at napaka-init diyan sa detention facility na ‘yan,” ani Trillanes.

HDO MALULUSUTAN NI JINGGOY

NAPILITAN ang Sandiganbayan na amyendahan ang kanilang inilabas na hold departure order (HDO) dahil sa natuklasang kakulangan na maaaring maging dahilan para makalabas ng bansa ang isa sa pangunahing akusado sa pork barrel case.

Nabatid na sa kautusan ng anti-graft court ay Jose P. Ejercito Estrada ang nakalagay ngunit ang hawak na pasaporte ng mambabatas ay “Jinggoy Estrada” ang nakatala.

Dahil dito, minabuti ng korte na ilagay na rin ang buong pangalan at palayaw ni Estrada sa HDO upang matiyak na mapipigilan siya ng immigration officers.

Ang bagong manifestation ay nilagdaan nina Prosecution Bureau II Acting Director Danilo Lopez, Assistant Special Prosecutors Christina Marallag-Batacan, Anna Isabel Aurellano at Peter Jedd Boco.

Ngunit para sa kampo ni Estrada, walang dapat ikabahala kahit ano pa ang nakalagay sa HDO dahil wala siyang planong tumakas sa kaso.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *