Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 kritikal sa kainoman (Dinaya sa tagay)

KRITIKAL ang tatlo katao nang saksakin at barilin ng kanilang kainoman dahil sa sinasabing dayaan sa tagay sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyang nakaratay sa Ospital ng Maynila sina Richard Dela Passion, 19, ng 2242 Gonzalo St., Malate, Maynila, sinaksak ng suspek na si Melvin Pilapil alyas Bilog.

Habang binaril ng suspek ang mga biktimang sina Jonathan Adres, 22, ng Arellano St., Malate, Maynila, at Eduardo Ferrer, 36, ng 1171 Arellano St., Malate, Maynila.

Ayon kay PO2 Joseph Montillo ng MPD Station  9, dakong 1:10 a.m. naganap ang insidente sa San Isidro St., kanto ng F. Muñoz St., Malate.

Nag-iinoman ang mga biktima at ang suspek ngunit nang malasing ay hindi na magkaintindahan sa tagayan kaya biglang nagkagulo.

Pagkaraan ay bumulagtang duguan at sugatan ang mga biktima habang mabilis na tumakas ang suspek.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …