Saturday , November 23 2024

Katas ng mga smuggler minana ng plunderer sa Bureau of Customs

HOW lucky naman ang maraming taga-Bureau of Customs, past and present na sobra-sobra ang paklinabang sa katas ng mga smuggler na nag-o-operate sa ahensya bago pa man dumating ang Pinoy administration.

Maswerte sila kung ihahambing natin ang kanilang estado sa mga pinaparatagnan na mandarambong (plunderer) sa Senado at Kongreso. Tila nagkakatotoo ang demanda ng mga miltanteng grupo sa hiling na tama na,sobra na, ihoyo na silang lahat.

Malawak pa ang ating detention facilities, gayon din ang prisons facilities tuad ng Bilibid, Ihawig Penal Colony sa Palawan at Davao Penal Colony sa Davao del Norte.

Sa tinagal-tagal nang pandarambong na ginawa at ginagawa sa ngayon sa Customs sa pamamagitan ng pakikipagkontsabahan sa mga smuggler or player, wala pa tayong nabalitaan na may nakasuhan man lang sa Ombudsman ng plunder, a non-bailable offense.

Isipin na sa kabila ng pagkakakulong ni dating President Erap sa kasong plunder, siya ay nasentensiyahan ng life sentence pero biglang na-pardon bago pa man ibiyahe sa Bilibid Prisons.

Mas lalong lumubha na parang kanser sa buto at utak ang plunder o pagnanakaw sa pondo ng bayan –iyong PDAF pork barrel scam sa kongreso.

Sa Customs naman, pera naman galing sa smuggling na pinagpapasaan ng maraming panahon hanggang sa mga perpetrator. Karamihan ng mga naisampang kaso ay graft and corruption na bailable naman. Plunder? Wala pa tayong nabalitaang naisampa sa Ombudsman. Majority ng cases, failure to file their correct SALN na kinasabitan ni dating Supreme Court Renato Corona. Pero hindi na mabubura ang katotohanan na ginawang pansuhol ang tinatawag kuno na presidential pork, iyong DAP (ang kaso nasa SC pa) na totoo ang hindi namantikaan (hindi sia kumuha).

Sila ay sina Senator Joker, Miriam at Bong Marcos. Pero tatlo sa mga senador na sumasawsaw kuno sa DAP (aabot daw ito sa P350-billion na nasa sarilingg diskarte lang ng presidency) ay nabigyan kuno ng P100-milyon bawat isa.

Sa Blue Ribbon Committee hearing, sina Senador Chiz Escudero, Franklin Drilon at Juan Ponce Enrile. Dapat full accounting ang gawin nila sa tao para tayo masiyahin. Si Ping Lacson naman dati nang hindi sumasawsaw sa pork.

Dahil ba walang paper trail laban sa mga plunderer sa kanila? Bakit hindi sila isinalang sa lifestyle check. Tulad noong panahon ni GMA. Parang namumulot lang sila ng pera sa basurahan. Sa dami ng kanyang pera pati pambili ng mga lote at condo unit nagawa nila. Walang Ombudsman o D0F-RIPS na umamoy sa mga pandrambong nila. Puro halos ukol sa SALN.

Iyong tunay na mga mandarambong na ni hindi man lamang nakakasuhan sa kanilang mga krimen ay tulad ng mga opisyales na malapit noon kay dating Commissioner Morales. Parang hari siya ngayon sa kanilang lifestyle. May partner pa riyan – isang middle level management chicks at kanyang lover na may mataas na pwesto noon sa Bureau (balita aabot ng bilyon ang yaman nito), isang dating commissioner na ngayo ay abogado ng mga smuggler, isang dating intel officer na dala-dalawa ang bahay sa California at luxurious lifestyle hanggang sa mga apo niya. Ni hindi man lang siya nasayaran ng kasong plunder, marahil graft lang.

Arnold Atadero

About Arnold Atadero

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *