Monday , December 23 2024

Hotel mogul, int’l car racing champ itinumba (Sa Davao at QC)

061414_FRONT
PATAY ang isang prominenteng Cebu businessman makaraan pagbabarilin sa loob ng kanyang hotel sa Davao City habang binawian din ng buhay ang isang international car racing champion nang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki sa Quezon City kamakalawa ng gabi.

Desmayado ang grupo ng Cebu Chamber of Commerce and Industry (CCCI) sa nangyaring pamamaslang kay hotel mogul Richard Lim King sa mismong pag-aari niyang gusali sa syudad ng Davao kamakalawa ng gabi.

Ayon kay CCCI President Ma. Teresa Chan, malaking kawalan sa ekonomiya ng bansa ang nangyaring pagpatay kay King dahil maimpluwensiyang tao ang biktima.

Napag-alaman, maraming pag-aaring negosyo lalo na sa linya ng hotel and real estate sa bansa ang biktima na sinasabing nakapgbibigay ng trabaho at nakatutulong sa ekonomiya ng bansa.

Wala pang komento ang mga staff ng Crown Regency Hotel na isa sa mga pag-aari ni King sa Cebu, itinuturing na international tourist spot dahil may sky extreme adventure sa pinakatuktok nito.

Samantala, sa inisyal na imbestigasyon ng Davao police, binaril si King dakong 6:45 p.m. sa Sobrecarey St., Lacson, Bo. Obrero, Davao City.

Napag-alaman, nasa loob ng kanyang establisyemento ang negosyante kasama ang kanyang mga empleyado nang lapitan ng isang hindi nakilalang suspek saka biglang binaril sa ulo ng kalibre .45 baril.

Sa kabilang dako, agad binawian ng buhay ang car racing champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor makaraan barilin ng motorcycle-riding men sa Quezon City.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nasa isang pick-up truck si Pastor, 32-anyos, sa Visayas Avenue corner Congressional Avenue nang bigla siyang barilin ng riding in tandem suspects.

Naitakbo sa opsital si Pastok ngunit agad binawian ng buhay habang ginagamot dahil sa tama ng bala sa kanyang ulo.

Sugatan ang isang Paulo Salazar, nasa loob ng nasabing pick-up truck sa nangyaring pamamaril.

Isinusulat ang balitang ito’y blanko pa ang mga awtoridad sa motibo ng pagpaslang sa racing champ.

Si Pastor ang kauna-unahang Filipino na nakasali sa NASCAR Whelen Euroseries Open Championship race circuit sa TFT-Alpes Carrelage team at itinanghal na ika-anim sa nasabing torneo noong taong 2013.

Nitong Abril itinanghal naman siyang ika-apat sa Euro-NASCAR series sa Nogaro, France.

Si Pastor ay nakatakda sanang pumunta sa US para sa K&N Pro Series East, isang regional stock car racing series na itinataguyod ng US arm ng NASCAR na gaganapin sa Virginia International Raceway sa Agosto 24 at sa Georgia para sa Road Atlanta race sa October 18.

ni ALMAR DANGUILAN

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *