Saturday , November 23 2024

Before you enter politics you must pass a lie detector test

DAPAT magkaroon ng batas sa Filipinas na sino mang magnanais pumasok sa politika, dapat muanng sumailalim at makapasa sa lie detector test.

Kailangan lahat sila, na ibig magsilbi sa pamahalaan lalo na ‘yung gustong maging presidente ng bansa ay sumailalim sa lie detector test sa pamamagitan ng polygraph machine.

Para malaman ng publiko, kung totoo o hindi na ibig nilang magsilbi sa bayan o para magnakaw ng kwarta pagkatapos silang pagkatiwalaan ng ating sagradong boto4.

Kung sinsero sila para maging public servant o gagawin lamang nilang gatasan o milking cow o negosyo ang pagpasok nila sa gobyerno, in disguised as politicians and gov’t officials.

Ang problema nga po lamang bayan, sino po ang mga Judas Iscariote na evil lawmakers ang magpapanukala ng lie detector test bill sa ating Kongreso? Ganoong halos silang lahat ay sangkot sa pandarambong sa pork barrel, ang P10-billion PDAF at Malampaya fund Scam at ibha pang uri ng pagnanakaw sa kabang yaman ng bansa.

***

Outlaw-Lawmakers are innocent, until proven guilty. ‘E kailan pa makukulong ang mga @#$%^&*()! ‘yan? Sa klase ng justice system sa Filipinas na bulok na, usad-pagong pa. Akala nga natin, after 1986 EDSA Revolution, matapos mapatalsik si Marcos bilang Pangulo ng Filipinas, gaganda na ang takbo ng buhay at kabuhayan ng mga Pinoy. Lalong dumami ang mga mandarambong sa Filipinas.

Ipinagsigawan noon ni Tita Cory, na gagawin niyang walong (8) piso ang isang kilo ng galunggong. Magkano po ngayon bayan ang presyo ng isang kilo ng galunggong?

Noon, si Marcos lamang at mga teknokrat ang magnanakaw sa gobyerno. Tingnan po ninyo ngayon, sangkatutak ngayon ang mga tirador at birador ng kwarta natin sa gobierno.

Ultimo mga salot sa lipunan na mga gangster at mga pusakal na magnanakaw, ginawang Robinhood sa pelikula. Hindi pa nasiyahan ang mga artista na gumanap, kung ang dating alam na hanapbuhay ay pag-aartista lamang, pati ang daigdig ng politika, kanilang pinasukan.

Hindi po bale sana bayan, kung ginawa nilang profession at tunay na serbisyo publiko, ang kanilang naging adhikain sa pagpasok sa gobyerno. Hindi po e, ginawa nilang patron ng political dynasty at hanapbuhay ang politika sa Filipinas. Ginawa pa nilang negosyo sa pandurugas ng milyon-mailyong piso na kwarta natin sa mga illegal na paraan at mga modus operandi. Ang feeling ng @#$%^&*()!, kanilang pag-aari ang gobyerno.

Tingnan po ninyo bayan ang hanapbuhay ng mga buwakang inang ‘yan sa ngayon, kompara noon, ngayon at kahapon, mga @#$%^&*()! nilang lahat!

***

Isang malaking Customs bonded warehouse ng Samsung ang nasa compound ng NBP na nasa loob ng 526 hectares.

Marahil marami ang hindi nakaaalam na ang nasabing lupain na nasa pangangasiwa ng Bureau of Correction (BuCor) na matatagpuan sa Muntinlupa City ay halos kasinlaki ng isang bayan.

Ito po ay pag-aari ng gobyerno. Right? DOJ Secretary Leila de Lima? Matagal na pong existing ang @#$%^&*()! Samsung Customs bonded warehouse.

P-Noy, pakibusisi naman po at pakiimbestigahan lang po kung totoo bang nakikinabang ang inyong pamahalaan sa matagal nang nakatayong malaking warehouse ng Samsung Company, panahon pa ng nakaraang kwestiyonableng mMandarambong na Pangulo kuno, Gloria “Pandak” Arroyo.

Batid kaya ito ni Ex-BOC Commissioner Raffy Biazon na dating Congressman ng Muntinlupa City? Winawasak ng Diyos ang sinungaling. Psalms 5:6.

Alam ba ninyo bayan, na ang mga trabahador po sa nasabing warehouse ay halos inmates ng BUCOR.

“Millionaires convicted prisoners are not included! Right Rolito Go? Anong say mo Kamata. Putang ina ninyo.

Ayon sa mga kumpare ng KS sa NBP, P20 raw kada isang inmate ang pasahod sa isang araw ng Samsung.

Mahabanging Langit! Sino naman kaya ang mabubuhay sa ganitong kapurit na suweldo?! Wala bang “cash-unduan” dito? Magkano kaya ang napupunta sa bulsa ng Director ng BuCor?

Nagtatanong lang po ang Kontra Salot. Public service is a public trust. No one is above the law! Except all VIP convicted millionaire sriminals! (Itutuloy)

***

UGALIING manood sa Royal Cable TV Program “Kasandigan ng Bayan” Martes at Miyerkoles, 9 to 12 noon. Mayor Abner Afuang and Pareng Nelson with Royal Cable TV 6 Manager and Southern Tagalog Broadcast Journalist Assn., Inc., President Cris Sanji. Maraming Salamat po. Godspeed.

Abner Afuang

About Abner Afuang

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *