Saturday , November 23 2024

Mga dating smuggler nasapawan na

ANG balita sa ngayon sa Aduana unti-unti na raw nagkakawala sa circulation ang batikang players (technical smuggler) at nasasapawan na ng mga bagong player sa pamumuno ng isang “Jaris Hines” na siya raw gustong humawak ng malalaking smuggling sa customs.

Dapat ipaalarma ito ng Intelligence Group ng Customs sa ilalim ni Deputy Commissioner Jessie Dellosa na nauna nang nabalita na humugot ng intelligence agents sa military upang matyagan ang mga smuggler.

Nang dahil sa balitang ito, ukol sa pag kuha ng mga intel officer sa military tila raw napilitan din mag-underground ng  mga old timer na player habang mainit ang kampanya laban sa kanila dito sa MICP at P0M at maging sa mga outport.

Una kasi, sunog na sunog ang mga dating player na mismo raw iyong nakasuso sa kanila sa regular na payola nila (mga smuggler) ang sumunog upang mapadikit sa mga bagong pinuno ng bureau na halos mga retiradong heneral ng armed forces.

Kaya kung mayroon mang gumagalaw sa kanila, ito raw ay above board or legal na legal para raw sa ikabubuhay ng kanilang mga kawani o worker tulad ng mga personero.

Haba raw kasi ng krisis. He he he …

Ang tsismis, tila matagumpay na nagagawa ng mga bagong grupo ng smuggler sa Bureau ang kanilang malawakang pagpupuslit kasama na rito ang gasoline sa ilang outport na notorious ang smuggling ng nasabing product.

Tila raw nagtatagumpay ang mga move ng bagong gang of smugglers sa pamumuno nitong “Jaris Hines” na may contact na sa Subic Port na isang “Romero.” Balita, hawak ng grupo ang mga outport. May kinalaman din daw ang nakaraang reshuffle sa CIIS dahil iyong mga tirador tila nasibak.

Ang masakit lang dito, may mga nagpapanggap daw na mga crusader na dating mga ahente ng isang nabuwag nang anti-smuggling task group. Ang mga impostor umo-orbit sa opisina ng Intelligence Group upang maka-connect sa IG office ni DepComm. Dellosa. Dapat daw talasan ni Dellosa ang kanyang mga mata dahil ito talaga ang “name of the game.”

Kaya asahan mo na lang DepComm. Dellosa na paminsan-minsan may mga puputok na expose about smuggling. Sa lawak ng Pilipinas at sa dami ng customs ports na hindi naman kayang i-monitor ng 24/7 daily, hindi imposible ang sinasabi natin.

Arnold Atadero

About Arnold Atadero

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *