Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ebidensiya sa QC Justice Hall custody ibinebenta ng jaguar

SWAK sa kulungan ang sekyu ng  Quezon City Hall of Justice (QCHOJ), nang magasagawa ng entrapment operation ang mga awtoridad dahil sa pagbebenta niya ng ebidensya.

Kinilala ang suspek na si Jic Florentino, 33-anyos, nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at qualified theft.

Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga, may-hawak ng kaso, siyam na baril at isang granada ang natangay ng sekyu mula sa Regional Trial Court Branch 215, sa Hall of Justice Annex building.

Sa ulat ng pulisya, maraming beses nang ginawa ang pagnanakaw sa mga ebidensya at sa tulong ng isang insider, nagawang maaresto ang suspek.

Sinasabing ang ebidensya ay itinatago sa wooden cabinet sa loob ng judge’s chamber at tinatayang P500,000 ang halaga ng mga baril at explosives ang nawala na.

(JETHRO SINOCRUZ)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …