Sunday , December 22 2024

Moderno, malinis, at higit sa lahat libreng ospital ng Parañaque pinasinayaan na

00 Bulabugin JSY

MULA sa vision statement na, “The City of Parañaque is a model for academic excellence, public health and safety, environmental preservation and good governance, providing equal opportunities for all in a peaceful and business-friendly atmosphere through a G0d-centered leadership,” nabuo at isinilang ang iba’t ibang proyekto at programa sa isang lungsod na dating kilala lamang bilang isang malayong bayan sa baybaying-dagat na ang pangunahing pinagkikitaan ay asinan at ilang palayan.

Ilang dekada rin na ang Parañaque City ay umasa lamang sa mga karatig-bayan sa usapin ng kalusugan.

Ang pagpapa-ospital para sa mga maralitang Parañaqueño ay isang ‘luho’ at kung pangangailangan man ay kung ‘terminal’ na ang sakit ng pasyente.

Kaya naman nang pasinayaan ang Ospital ng Parañaque sa Barangay La Huerta nitong May 4 (2014) ay marami ang natuwa.

Ayon kay Mayor EDWIN OLIVAREZ, ito ang katuparan ng matagal na nilang pangarap na magkaroon ng public hospital na abot-kaya, de-kalidad ang serbisyo at higit sa lahat moderno at may dedikasyon ang mga naglilingkod.

Sa nasabing pasinaya ay naging panauhin pandangal si Health Secretary Enrique Ona kasama si Undersecretary Teodoro Herbosa.

Bumilib si Secretary Ona sa pagkakagawa ng P200-milyon estruktura ng ospital, na aniya’y wala halos pagkakaiba sa mga sikat at mahuhusay na private hospitals.

Bilang pagkilala sa pagsisikap ng lungsod, sinabi ni Ona na maglalaan ang departamento ng P20 milyon mula sa budget para sa taon 2015 para makatulong sa higit pang modernisasyon ng nasabing ospital.

Bukod pa umano ‘yan sa P33 milyon para naman sa health centers.

Upang matiyak na epektibo sa kalusugan ng mamamayan ang bagong ospital, 300 employees and medical personnel ang itinalaga ng alkalde na magseserbisyo nang tama at may kalidad sa pasyente.

Sa pakikihuntahan natin kay Mayor Olivarez, sinabi niya na ang 6-storey hospital ay pinagtulungan nilang maisakatuparan ng kapatid na si 1st District Rep. Eric Olivarez kasama ang buong Konseho sa pangunguna ni Vice Mayor Rico Roilo.

Ayon naman kay Dr. Ephraim Neal Orteza, direktor ng Ospital ng Parañaque, sa pagbubukas ng bagong ospital, nadagdagan ng 120-bed ang kapasidad ng lumang ospital na nasa 39-bed capacity lamang.

Kaya kung dati ay siksikan ang nasabing ospital ngayon ay mas magiging maginhawa na ang mga pasyenteng magpapa-confine roon.

Ibig sabihin, hindi lang nagtayo ng bagong ospital si Mayor Olivarez kundi ipinaayos din niya ang lumang ospital upang mapakinabangan pa rin ng mamamayan.

Maaliwalas, malinis at makabago ang ospital pero naniniwala si Olivarez na kailangan pang kompletohin ang mga gamit at medical equipment sa laboratoryo, mga gamot, kama at iba pang kagamitan sa lalong madaling panahon.

Sa pakikipagtulungan sa iba pang opisyal ng pamahalaan, naniniwala ang alakalde na maitataas nila sa tertiary level ang ospital ng Parañaque na may kakayahang gumamot ng mga grabeng karamdaman.

“Sa panahon ngayon na napakahirap magkasakit, kailangan natin ang isang ospital na mangangalaga sa atin sa panahon ng kagipitan.

“Nangako akong hindi natin pababayaan ang ating mga kababayan, at ang mabilis na pagtatayo at pagbubukas ng Ospital ng Parañaque ay isang katuparan ng aking pangako at ng matagal nang pangarap ng mga Parañaqueño,” pagwawakas ni

Mayor Olivarez.

SEC. HERMINIO “SONNY” COLOMA HINDI LANG SPOKESPERSON, NAG-AABOGADO PA!?

MUKHANG sinusulit ni Presidential Communication and Operations Office (PCOO) chief, Secretary Herminio “Sonny” kolokoy este Coloma ang ‘tiwala’ sa kanya ng Malacañang.

Hindi lang siya spokesperson ng Palasyo, para na rin siyang abogago este abogado sa pamamagitan ng pag-abswelto sa mga kaalyado ng administrasyon kapag nasasangkot sa iregularidad.

Gaya na lang nga nitong si Budget Secretary Florencio “Butch” Abad na hindi lang isinasangkot kundi sinasabi ni Janet Lim Napoles na siyang nagturo sa kanya kung paano mamaniobrahin ang pondo ng gobyerno na nagresulta sa P10-bilyon pork barrel scam.

Ang laki kasi ng pagkakaiba ng mga posisyon ni Secretary kolokoy este Coloma.

Kapag hindi kaalyado ng Palasyo ang itinuturo sa P10-bilyon pork barrel scam, agad niyang sinasabi na pinaiimbestigahan na agad ng Palasyo.

Pero kapag kaalyado gaya nga ni Sec. Butch Abad, ‘e mayroon daw karapatan “to presumption of innocence” at “presumption of regularity in the performance of his duties.”

Matindi rin talaga ang pagdo-double standard ni Sec. Colomay este Coloma.

Silip na silip na nga kung ano ang papel ng pamilya Abad sa administrasyon ni PNoy pero panay pa rin ang kanilang pagtatanggol.

Kung talagang, walang sabit si Abad at ang kanyang pamilya sa P10-bilyon pork barrel scam, ang pinakamaganda n’yan ‘e mag-leave of absence muna siya kung hindi niya kayang mag-resign para naman maging independent ang investigation/validation na gagawin ng Commission on Audit (CoA).

Wala na bang ibang henyo sa administrasyon ni PNoy kung kaya hindi kayang pawalan si Butch Abad?!

Aba ‘e parang gusto na nating maniwala na ang PAMILYA ABAD ang nagpapatakbo ng bansa kung hindi magkakaroon ng malinaw na pahayag o posisyon ang Malacañang sa iregularidad at eskandalong kinasasangkutan ni Secretary Bucth.

Secretary Coloma, sugatan na po ang mamamayan dahil sa walang sawang pandarambong ng mga nakaupo sa pamahalaan.

Huwag naman ninyong ipagtanggol o ikanlong ang mga dapat isalang sa imbestigasyon.

By the way, saan na ba nakatira sina Secretary Abad ngayon Secretary kolokoy este Coloma mula nang magkapwesto ang buong pamilya niya sa administrasyong Aquino?

Mukhang mas kontento na ngayon ang pamilya Abad sa kanilang mga bagong mansiyon dahil tuluyan na nilang pinabayaan at hinayaang mabulok ang kanilang ancestral house d’yan sa Data St., Barangay Don Manuel sa Quezon City.

Napapasyal pa kaya ang pamilya Abad sa komunidad na kanilang pinanggalingan?!

HAPPY BIRTHDAY GEN. DANNY LIM    

ISANG maligaya at makabuluhang pagbati po ang nais natin ipaabot kay Gen. Danilo Lim sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Tahimik, mababa ang loob pero may matikas na paninindigan, si Gen. Lim po ay isang ‘asset’ na dapat pinahahalagahan ng ating pamahalaan.

Kaya marami po ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng pwesto si Gen. Lim.

Si Gen. Lim ang kauna-unahang nag-resign sa Bureau of Customs (BoC) nang kastiguhin ni PNoy sa kanyang SONA ang nasabing Bureau.

Pinalipas pa muna ni PNoy ang pagtanggap sa resignasyon ni Gen. Lim pero nang tanggapin niya ay nangakong bibigyan ng bagong pwesto sa pamahalaan.

Pero ilang buwan na ang nakalilipas, hanggang ngayon ay hindi pa rin naipupuwesto ang retiradong heneral.

Suspetsa tuloy natin mukhang maisasama lang si Gen. Lim doon sa mga sinasabing, “napangakuan na nga, kinakailangan pa bang tuparin?”

Palitan na ninyo ang mga umaalingasaw sa bantot na mga mandarambong at ipuwesto ang mga tunay na lingkod ng bayan.

Muli, HAPPY BIRTHDAY, Gen. Lim!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *