Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malolos City Hall employee, kinasuhan ng P2-M libel suit ng alkalde

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan–Sinampahan ni Mayor Christian D. Natividad ng kasong libelo ang isang city hall employee nitong nakaraang Mayo 9 sa opisina ng City Prosecutor’s Office.

Nahaharap sa P2-milyong libel case na isinampa ni Natividad si Marilyn Bernardo, kawani ng Pamahalaang Panglunsod ng Malolos at residente ng 252 Tabing-Ilog, Brgy. Longos, Malolos City.

Nag-ugat ang libel case na isinampa ng alkalde dahil sa pagpapakalat ng polyeto na naglalaman ng mga maling paratang na labis na nakasisira sa kanyang reputasyon bilang abogado at 2nd term mayor ng lungsod.

Base sa complaint affidavit ng alkalde, noong Mayo 4 at 5, namigay si Bernardo sa kapwa empleyado ng city hall ng polyetos na naglalaman ng mga bintang na may ginawang paglustay sa pondo ng Pamahalaang Panlungsod, bintang ng katiwalian sa panunungkulan at sa maanomalyang bidding sa bagong city hall at palengke.

Idinagdag ni Natividad na nakasaad din sa polyetos na ipinamigay ni Bernardo ang mali at magastos umanong paggastos ng pera ng Pamahalaang Panlungsod, ang pagkakautang ng halagang P98 milyon dahil sa hindi pag-remit ng nakolektang buwis sa Bureau of Internal Revenue at ang halaga P10 milyon na ibinigay mula sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) nina Senador Jinggoy Estrada at Gringo Honasan.

Sa nabanggit na 4 na pahinang complaint affidavit na sinumpaan ni Natividad, isa-isa niyang sinagot ang mga paratang ni Bernardo.

Ang katotohanan sa desisyon ng Regional Trial Court tungkol sa bidding ng bagong city hall ay walang iregularidad na ginawa  sina Natividad at ang Bids and Awards Committee.

Ayon sa desisyon: “RTC Bulacan has cleared the city mayor and Bids and Awards Committee of Malolos City of any wrong doing and/or irregularity  in the conduct of the bidding for the New City Hall.”

Sinabi ni Natividad na ang Pamahalang Panlungsod ay wala rin  unremitted tax collections.

“Ang city government ay erroneously assessed taxes sa gamot, scholarship grants at iba pa,” diin ng alkalde “The same has since been resolved and the assessment was already drastically reduced to less than P2 million pesos and already settled.”

Itinanggi rin ng alkalde na may tinanggap ang Pamahalaang Panlungsod ng P10 milyon galing sa PDAF nina Estrada at Honasan.

Naniniwala si Natividad na nakasisira ng kanyang imahe, reputasyon at integridad ang hindi makatotohanang akusasyon na ipinakakalat sa pamamagitan ng polyetos ni Bernardo.

Ayon kay Natividad, isa rin empleado ng City Hall na si Crispina Baltazar ang sumumpa ng salaysay na tumestigo laban kay Bernardo.

Ani Baltazar, sinabi sa kanya ni Bernardo na ipamahagi ang ibang kopya sa iba pang kawani ng city hall at kung maaari ay ipamahagi rin ang ibang kopya sa barangay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …