Sunday , December 22 2024

A big mistake of Erap

MAY puwesto na pala sa Manila City hall ang talunang kandidato mula sa 5th District na si Engr. Rafael “Che” Borromeo.

Ito ngayon ang ipinagmamayabang ni Che na natalo sa ikatlong termino sa pagka-konsehal ng Maynila at bumagsak sa ikasiyam na puwesto sa nakaraang halalan noong May 13, 2013.

Isinuka ng mamamayan, pero binigyan pa ng kapangyarihan? Susme!

***

SA ilalim ng Executive Order No.51, binuo ni datingPangulong Erap ang Task Force Organized Vending na mamamahala sa lahat ng vendors sa buong Maynila.

Si Engr. Che ay hinirang bilang Chairman ng task force na mangunguna umano sa pagsasa-ayos, paglilinis at pangangasiwa ng hawker’s fee ng mahigit 20,000 vendors sa Lungsod.

Ayos, tiba-tiba na naman si Che!

“AKO NAMAN!”

NAGPAKILALA agad si Che kinabukasan sa mga vendor, matapos pirmahan ng dating Pa-ngulong Erap ang kanyang “appointment paper.”

Nagpakitang gilas agad, naglinis ng mga obstruction sa lansangan, inalis ang mga vendor sa sidewalk, at isinaayos ang hanay ng vendors.

Sabi daw ni Che, ako naman!

***

PERO ito ang maituturing na malaking pagkakamali nagawa ni Erap sa mga Manilenyo, ang ipuwesto si Che sa city hall.

Kilala si Che noon pa man bilang anti-masses, kaya malaking disgrasya ang paghirang ng dating Pangulo sa talunang kandidato na bigyan ng kapangyarihan dahil tiyak na ikasisira niya ito sa masang Manilenyo sa Lungsod.

Tsk…tsk…a big mistake of Erap!

***

KABILANG sa bumubuo ng task force organized vendingay sina Horacio A. Morales III, bilang vice chairman, mga miyembro naman sina City Treasurer Ms. Liberty Toledo; Atty. Fortune Opinion – Mayuga ng Bureau of Permits atP/Supt. Gilbert Cruz ng Manila Police Department.

Kompletos rekados ang task force, pero sa gulang ni Che, tiyak mapalulusutan niya ang kanyang mga kasama, kabisado niya ang kalakaran ng “tong collection” sa mga vendor.

Hindi ba DPS-Dist. III officer in charge Fernando Lugo?!

TATAAS ANG COLLECTION

O ANG TONG FEES?

DUDA ako na magagawa ni Che ang nakasaad na function and responsibilities ng task force, gaya ng nakasaad sa Section 2 (e): “to formulate plans and programs to ensure the efficient and prompt collection of fees due from city hawkers and vendors.”

Baka puwede pa sabihin, epek-tibo at malaking koleksyon sa pangongotong ang maibubulsa nila sa hanay ng mga vendor.

Aysus!

***

KAYA asahan na natin mga Kabarangay sa mga susunod pang araw, mag-iiyakan lahat ng mga vendor sa Maynila dahil sa laki ng tara na dapat nilang ihatag sa grupo ni Che.

Knowing Che, hindi siya papayag na walang makuhang ganansiya sa kanyang mga pagkilos, ang lagay e, sila lang ang kumita.

Boom panes sa kanya ‘yan!

LABANAN

ANG KONSEHO

NG MAYNILA!

KINAKAILANGAN magkaisa ang lahat ng barangay sa Maynila upang pigilan ang Manila City Council sa paggawa ng mga Resolution na maghahati-hati sa ating hanay.

Maliwanag na ang pagkakait sa mga barangay ng kanilang nararapat na Real Property Tax (RPT) shares ay paglapastangan sa pagiging independent ng barangay.

***

MAHIGIT 10 barangays mula sa District 1 at 2 ang pinagkaitan ng kanilang RPT shares na umaabot sa P52M, gayondin sa mga barangay sa Malate District area, ninakaw rin ng Konseho ang kanilang karapatan mabahaginan ng RPT shares na umaabot sa milyong piso.

Dapat kuwestyonin ang legalidad ng aksyon ng Konseho sa pagkakaloob sa isang barangay lamang ng RPT shares na dapat sana’y hinahati sa mga barangay na nakasasakop dito para magamit sa kanilang mga proyekto.

***

BAKA nakalilimutan ng mga kagulang-gulang na Konsehal ng Maynila na ang barangay officials ay halal din ng taong-bayan.

Pare-pareho lamang tayong nasa elected position. Kung tutuusin ay mas makapangyarihan ang barangay dahil ito ang tumatayong executive, judiciary, at legislator ng isang komunidad.

Tama ba ako DILG-NCR Director Atty. Cherry Melodias?

***

AT huwag na tayong umasa sa Liga ng mga Barangay na ipagtatangol tayo sa Konseho sa usapin ng ‘pagnanakaw’ ng RPT shares.

Isang malaking ‘tuta’ kasi ang kasalukuyang liderato ng Liga. Hindi rin tayo magtataka kung may ‘komisyon’ din sila sa RPT shares nina Barangay Chairman Sigfried Hernane at Chairwoman Ericka Platon.

Magkano kaya Liga President Philip Lacuna?

Para sa anumang komento, mag-email [email protected] o mag-text sa # 0932-321-4355.Ang Joy to the World ay lumalabas tuwing Lunes, Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

About Chairwoman Ligaya V. Santos

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *