ITO ang tanong ng marami ngayon sa pag-disqualify ng Commission on Election (COMELEC) kay Laguna Governor ER Ejercito.
7-0 ang naging boto ng mga komisyoner ng Comelec sa kasong “overspending” ni ER sa nakaraang halalan Mayo 2013.
Solido raw ang ebidensyang pinagbasehan ng Comelec sa pagpatalasik kay ER. Ito ay ang mga resibo sa kanyang campaign ads sa mga pahayagan, radio at tv.
E, halos lahat naman ng kandidato ay gumagastos ng sobra-sobra sa itinakda ng batas na P3.00 para sa bawat botante.
Ang kailangan lamang, ayon sa Comelec, para mapatunayan na overspending sa kanyang kampanya ang isang kandidato ay dapat may solid evidence, may paper thrills tulad ng mga resibo sa paglagay ng campaign ads sa diyaryo, radio at telebisyon.
Ganito ang nangyari kay ER. Wala siyang gulang. Naging hayagan ang kanyang sobra-sobrang paggastos sa kampanya, kungsaan nasilipan siya ng kalaban na siyang nagsampa ng kaso sa Comelec.
Sabi ng mga kaibigan kong abogado at maging ng isang komisyoner sa Comelec, kahit pa magpasaklolo si ER sa Korte Suprema kung wala naman siyang sapat na ebidensya para pasinungalingan ang overspending case nya sa nakaraang eleksyon, mababasura lamang ang kanyang apela. Dahil ang mga opisyal na resibo ay solid evidence sa kanyang kaso. Mahirap itong pasinungalingan o i-deny.
Nakangiti naman na nakaabang sa pagbaba ni ER ang kanyang batang bise gobernador na si Ramil Hernandez.
Kilala ko itong si Ramil. Minsan ko siyang naging ka-klase, pero hindi sa eskuwelahan kundi sa…. secret! Hehehe…
Ang pag-disqualify kay ER ay magsilbing aral sana sa mga kandidato na bumubuhos ng salapi sa kampanya para lang manalo sa halalan.
Ayon sa Comelec, marami pang madi-disqualify na nasa puwesto ngayon sa mga susunod na araw. Abangan nalang natin kung sinu-sino ang mga ito.
At para kay ER, wish ko pare ko, na mapaboran ka sa iyong apela sa Korte Suprema. Amen!
Paging CIDG: Mga ‘agaw-bato’
na pulis sa Bulacan
– Sir Joey Venancio, paki-parating sa pamunuan ng PNP at imbestigahan itong mga pulis S2 ng Bulacan PNP. Sila po ngayon ang nang-aagaw-bato (shabu) sa mga pusher na nakikipagtransaksyon sa isang pulis na nakakulong sa Bulacan Provincial Jail, si Morales. Itong si Morales ang nagbibigay ng info at ipahuhuli naman sa S2 ng Bulacan PNP at ipinabebenta sa mga protektadong malalaking pushers sa Bulacan. Kaya nagkalat po ang bato dito sa bayan ng Plaridel, Bocaue, Baliwag, San Jose del Monte at Malolos City. Agaw-bato part 2 po ito. Huwag nyo po ilabas ang numero ko. – Concerned citizen
Paging CIDG Director Benjamin Magalong, Heneral paki-manmanan ang info na ito.
MPD Traffic Police na Koreano
ang binabantayan
– Mr. Venancio, report ko itong si SPO1 Alvin Ramos ng MPD Traffic, hagad. Wala po itong ginawa kundi mag-escort ng Koreano. Minsan naharangan ko lang ang kanyang escort, pinalo ang hood ko at minura ako. May pagkaabusado ang pulis na ito. Sayang lang ang taxpayers money na pinasusuweldo sa kanya, sa Koreano siya nagbabantay hindi sa publiko. Ubod pa ng yabang! Dapat matanggal yan sa pagkapulis at mag-sekyu nalang sya sa Koreano. – 09995735…
Paging MPD Traffic Commander, C/Insp. Olive Sumagaysay, pls. check the status of SPO1 Alvin Ramos. Saan ba talaga siya nakatalaga?
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio