Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bitay sa Pinoy 2 pa habambuhay (Sa espionage, economic sabotage)

052414_FRONT

HINATULAN ng bitay ang isang Filipino nitong Abril 30 ng Qatari court bunsod ng kasong espionage at economic sabotage, habang dalawa pang kababayan ang hinatulan ng habambuhay na pagkabilanggo sa kaparehong asunto, ayon sa ulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon.

Sa press briefing sa Manila, sinabi ni Foreign Affairs spokesman Charles Jose, may abogado na umasiste sa mga Filipino sa paglilitis ng lower court at ang hatol ay iniapela na sa Qatar court nitong Mayo 4.

“Our embassy will continue to extend assistance to them as long as necessary,” pahayag ni Jose bagama’t hindi binanggit ang pagkakakilanlan ng mga hinatulan.

Ang hinatulan ng kamatayan ay empleyado ng state-owned company habang ang dalawa ay technicians sa military base, dagdag pa ni Jose.

Wala nang ibang detalyeng ibinigay si Jose, ngunit ayon sa ulat ng Qatar-based Doha News, ang tatlo ay napatunayang guilty sa pagpasa ng military and economic secrets sa Philippine government.

“One man, reported to be a lieutenant in the Philippines state security force working as a budgeting and contracting supervisor at large state-owned Qatari company, received the death penalty late last month, while the other two men – technicians working with the Qatar Air Force – were given life sentences in prison,” ayon sa ulat.

Nabatid pa sa Doha News, ang tatlo ay kinasuhan bunsod ng pagbibigay ng impormasyon “to intelligence officials in the Philippines about Qatar’s aircrafts, weaponry, maintenance and servicing records, as well as specific details about the names, ranks and phone numbers of staff members.”

“Additionally, details about a major Qatari company’s investment projects and upcoming contracts are also alleged to have been leaked,” dagdag pa sa ulat.

Inihayag ng main defendant, ayon pa sa ulat, ang tatlo ay tumanggap ng milyong Riyals kapalit ng kanilang spying services.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …