NATUWA tayo nang umastang ‘pulis pangkalawakan’ si Manila District V councilor, Kgg. Aligator ‘este’ Ali Atienza in behalf of Barangays 105, 110, 107, 116, 118, 123, 39, 275 at 44 na nabukulan/nawalan sa kanilang Real Property Tax (RPT) shares.
Natuklasan kasi ng nasabing mga punong barangay na ang kanilang RPTs ay napuntang lahat sa barangay lang ni Chairman SIEGFRED HERNANE ng Barangay 128, Zone 10, District 1.
Nang mag-alboroto ang siyam (9) na barangay chairman biglang lumutang sa eksena si Kgg. Ali Atienza.
Nakipagpulong sa mga Brgy. Chairman at sasampahan daw niya ng kaso sa Ombudsman ang mga sangkot sa pagpapalabas ng P77 milyones RPT shares sa iisang barangay lamang.
Napabilib tayo sa sinabing ito ni Konehal Ali.
Lalo na kung ang tinutukoy niyang mga sangkot ‘e ‘yung mga konsehal na nag-apruba sa pamamagitan ng isang resolusyon na i-release ang nasabing RPT shares sa nag-iisang Barangay 128 na pinamumunuan ni Chairman Hernane.
Hindi lang tayo ang bumilib, maging ang mga barangay chairman na nabukulan ay nabuhayan nang loob at umasa nang marinig ang nasabing pahayag ni Kgg. Ali.
Ang malungkot, lalo lang nadesmaya ang mga barangay chairman dahil imbes sampahan ng kaso ang mga opisyal na sangkot sa nasabing iregularidad sa paglalabas ng RPT shares ‘e nagpadala lang ng sulat si Konsi Ali kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales at
Commission on Audit (CoA) Chairman, Grace Pulido-Tan para imbestigahan at suriin ang nasabing ‘iregularidad.’
Kasabay nito, nanghihingi ng dokumento si Kgg. Ali kay Madam Grace kung nabigyan na raw siya ng kopya.
Anak ng tokwa!!!
Hehehe … ang tikas ni Konsehal Ali nang humarap sa mga barangay chairman, ‘yun bang tipong ibabagsak ang tabak ni Damocles sa mga kasamahan sa Konseho na siyang lumagda sa resolusyon na nagbigay ng “go signal” para i-release kay Hernane ang P77-milyones RPT shares.
Akala pa naman natin sasampahan nga ng kaso o kaya ‘e mag-privilege speech man lang sa konseho para talakayin ang bukulan na ‘yan.
‘Yun pala mag-i-inquire lang?!
Ay sus! Pinaasa lang pala ‘yung mga barangay chairman.
Wala na bang mas matapang d’yan Konsehal Ali?!
Parang grandstanding lang ‘e!
ANG BIRTUD NI MAJOR ROLLYFER CAPOQUIAN SA PNP-SPD
MABAGSIK daw pala ang birtud ni Parañaque Baclaran PCP chief, Chief Insp. Rollyfer Capoquian.
Sinibak ni NCRPO chief, Dir. Gen. Carmelo Valmoria pero ibinalik agad ni Southern Police District (SPD) director, Chief Supt. Erwin Villacuarta ‘este’ Villacorte.
Nitong nakaraang Biyernes Santo kasi, nag-ikot si Gen. Valmoria sa kanyang area of responsibility (AOR).
Nang magawi sa Baclaran, natiyempohan ni Gen. Valmoria na WALA (cannot be located) si Major Capoquian sa kanyang poste, kaya hayun sinibak antimano.
Pero wala pang isang linggo, aba, ibinalik ni Gen. Villacuarta ‘este’ Villacorte sa kanyang pwesto.
Aba ibang klase pala ang lakas ni Capoquian kay SPD DD.
Siguro ‘e madalas na bumibisita si Major Capoquian kay DD …tuwing anong araw kaya?
Lunes o Biyernes?
SUSPENSIYON NG P250 MULA SA P550 TERMINAL FEE HINILING NG AOC
Suspensiyon ng P250 mula sa P550 terminal fee hiniling ng AOC
(Habang under rehabilitation ang NAIA Terminal 1)
HINILING kamakailan ng may 40 miyembro ng Airline Operators Council (AOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa management ng Manila International Airport Authority (MIAA) na pansamantalang suspendihin ang P250 mula sa P550 terminal fee sa bawat umaalis na pasahero sa NAIA terminal 1.
“Since the Ninoy Aquino International Airport terminal 1 (NAIA 1) is undergoing rehabilitation and passengers are not receiving the full service which they deserve, we are highly recommending to the MIAA board the immediate reduction of P250 as part of the terminal fee,” ani Asean –AOC head Onnie Nakpil.
Kung aaprubahan ng MIAA board na pinamumunuan ni GM Jose Angel Honrado ang mungkahing ito, ang bawat pasahero ay magbabayad na lamang ng P300 sa NAIA T1 hanggang matapos ang P1.16 billion rehabilitation project sa January 2015.
Kapag natapos ang rehabilitation doon lamang muling ipapataw ang P550 terminal fee.
Nahihiya na raw kasi ang iba’t ibang airline companies na nandiyan sa NAIA Terminal 1 dahil puro reklamo ang natatanggap nila mula sa mga pasahero.
Mula sa kakulangan ng malinis at maiinom na tubig hanggang sa grabeng init na nararanasan nila dahil sa poor air-conditioning system.
Dahil sa kakulangan na ‘yan, ang Airline companies pa ang nagbibigay ng maiinom na tubig sa kanilang mga pasahero sa kanilang mga counter gaya ng Air France-KLM.
Kamakailan lang,dalawang pasahero na ang hinimatay at na-stroke sa tindi ng init sa loob ng terminal 1.
Ano ba ang ginagawa ng Terminal 1 Manager Dante Basanta at kahit man lang industrial cooling fan ay hindi makapaglagay sa loob ng airport!?
Hindi lang ‘yan, aba ang tagal nang tumatanggap ng terminal fee ang NAIA pero ang X-ray Machine sa NAIA T-2 ay dalawa lang ang gumagana kaya ang haba ng pila papasok sa terminal.
At ‘yun ang tanong, saan ba talaga napupunta at ginagamit ang TERMINAL FEE mula sa mga pasahero?!
Kailangan na bang pumasok si CoA Chairman Madam Grace Pulido – Tan sa terminal fee na ‘yan?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com