Saturday , December 21 2024

Fairview, QC mother’s day massacre, lutas na …

Almar Danguilan

HUWAG naman –  huwag mo naman isisi Quezon City Mayor Bistek Bautista, ang lahat sa Quezon City Police District (QCPD) ang nangyari noong nakaraang Linggo ng madaling araw.

Oo buo ang suporta ng QC government sa pulisya ng lungsod – logistics at iba pa pero, ang lahat naman ay ginagawa ng QCPD para mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng lungsod.

Iyong nangyari nitong Mayo 11, 2014 ng madaling araw, walang may kagustuhan nito. Ang pagpaslang ng isang trigger happy sa lima katao sa Fairview, QC kasabwat ang nagmaneho sa kanya sa motorsiklo.

Nakalulungkot ang nangyari, akalain mo nga naman, mawawalan ka ng mahal sa buhay nang ganoon na lamang.

Nakikiramay po tayo sa mga iniwang mahal sa buhay ng mga napatay. Maging ang QCPD ay nalungkot sa nangyari lalo na si Chief Supt. Richard Albano, Director ng QCPD.

Siyempre, nais ng QCPD o ni Albano na agad malutas ang krimen – maaresto ang mga salarin, hindi lamang ang dalawang sangkot sa pagpaslang kundi mga kasabwat na may kinalaman – accessories sa krimen.

Para sa ikalulutas naman ng krimen, binuo agad ni Albano ang “Task Force Fairview” na pangungunahan  ni Sr. Supt. Procopio Lipana, QCPD Deputy District Director for Operations.

Hindi nagkamali si Albano sa pagpili kay Lipana para pamunuan ang TF dahil masasabing hinog na hinog na sa paglutas ng mga ganitong klaseng kaso si Lipana. Siyempre, nand’yan din sina Sr. Supt. Joel Pagdilao, Dep. Director for Administration at Sr. Supt. Timoteo Pacleb, chief, District Directorial Staff,  na naging katuwang ni Lipana sa TF.

Hayun, makaraang mabuo ang TF – agad kumilos si Lipana kasama ang tropa nina C/Insp. Rodelio Marcelo, Chief,  Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU); Supt. Dennis De Leon, PS 5 commander; Supt. Norberto Babagay, PS 4 chief, at Supt. Rodrigo Bauto, Chief, Intelligence Division … at iba pang dibisyon/yunit ng QCPD. In short, halos lahat ay nagtutulungan.

Sa tulong ng intel network ng bawat kasapi sa TF, nakakuha sila ng info nitong Martes hinggil sa pagkakakilanlan sa mga salarin at pinagkukutaan nila sa Fairmont, North Fairview, QC.

Kaya kamakalawa ng hapon, sinalakay ng TF ang kuta ng mga salarin. Nagresulta ito sa pagkaaresto ng anim katao. Ilan sa naaresto ay may pending warrant of arrest habang isa sa anim ay positibong itinuro ng ilang saksi na kasabwat sa nangyaring patayan sa Fairview.

Positibong kinilala ng mga saksi si Alsaid Mindelano na siyang nagmaneho sa motorsiklong ginamit noong Linggo sa pagpaslang sa lima katao. Pinag-drive niya ang gunman. Nakalulungkot nga lang sabihin na hindi kabilang ang gunman sa anim na nadakip.

Pero ang sabi ni Albano, kilala na nila ang gunman – kaya sa mga susunod na araw, tiyak na mapapasakamay na ng batas ang gunman.

Ayon naman kay Lipana, nagpatibay na ang tropang naaresto  sa Fairmont ay may kinalaman sa masaker ay dahil sa narekober na motorsiklong ginamit noong Linggo na minaneho ni Mindelano. Pulang motorsiklo na may nakapaskil na malaking sticker na “Marlboro.”

Narekober din sa mga nadakip ang isang .9mm – inaalam pa kung ito ang baril na ginamit sa masaker; dalawang granada; mga bala; 100 gramong shabu at baril pa.

Mayor Bistek, bilang ama ng Kyusi, batid ng lahat na desmayado ka sa nangyari noong Linggo. Siyempre nand’yan iyong pagtatanong mo na bakit nangyari ito samantala hindi ka nagkulang sa pagsuporta sa QCPD. Yes tama kayo diyan pero, wala pong may kagustuhan sa nangyari. Hindi rin gusto ng QCPD o ni Albano ang nangyari kaya, sana ay huwag nang sisihin ang QCPD.

Ginagawa pa rin ng QCPD ang lahat – saksi ka yorme sa mga accomplishment ng QCPD simula nang maupo si Albano.  Huwag naman…dahil lang sa isang insidente parang wala nang ginawa ang QCPD … tila hindi nagamit nang tama ang mga logistic na ibinibigay ng city government. Tingnan naman natin ang mga nakaraan – at kita n’yo naman, agad din nalutas ang krimen.

Nangako rsi Albano na hindi lamang hanggang pagsibak sa precinct commander ng Fairview ang aksyon niya kundi may mga pulis pang mananagot sa nangyaring lapses ng pagbabantay sa bisinidad ng Fairview.

Ano pa man, tiniyak pa rin ni Albano ang seguridad ng mamamayan ng Kyusi.

Gen. Albano, Sr. Supt/s. Lipana, Pagdilao, Pacleb, Bauto at C/Insp. Marcelo, kudos sa inyo.

Congratulations QCPD… sana maisako na n’yo sa susunod este, mahuli pa n’yo ang gunman.

***

Para sa inyong reklamo, suhestiyon at komento, magtext lang sa 09194212599.

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *